NAGBAGO ang isip ni Pangulong Rodrigo Duterte kaya isasapubliko na ang pagpapaturok ng bakuna kontra coronavirus disease (CoVid-19) upang makombinsiang mga mamamayan na magpabakuna.
“I think the President has said he will now have himself vaccinated publicly. He only has to announce when it will be done,” sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque kahapon sa virtual Palace press briefing.
“That’s, of course, in recognition of the fact na naghihintay ng senyales ang taong bayan kung talagang sila’y magpapabakuna o hindi. I think that is a policy that we will now pursue,” aniya.
Noong nakalipas na buwan, sinabi niyang sa puwit magpapabakuna kaya’t kailangan pribado itong gawin.
Hindi binanggit ni Roque kung anong brand ang ituturok sa Pangulo ngunit noong nakaraang taon ay inihayag ng Punong Ehekutibo na kursunada niya ang CoVid-19 vaccine na gawa ng China o Russia.
(ROSE NOVENARIO)