VALENTINE’S eve, at sa halip na si misis ang kasama ni Doc, ang kasama niya ay isang matinee idol na hindi na rin naman sikat ngayon, pero pogi pa rin. Hindi rin kasama ni matinee idol ang kanyang girlfriend, ibig sabihin sila talaga ni Doc ang magka-date noong Valentine’s eve.
Earlier may kakilalang bumati kay Doc at ang alibi niya, nag-uusap sila ng matinee idol para maging endorser ng clinic niya. Pero kung business meeting nga lang iyon, bakit ganoong oras at bakit kung kailan Valentine’s pa? (Ed de Leon)