Saturday , November 16 2024

Duterte muling bumida raket ng LTO ipinatigil (2016 campaign promise)

TULAD nang inaasahan ng lahat, muling umeksena si Pangulong Rodrigo Duterte para ipatigil ang paniningil para sa Motor Vehicle Inspection System (MVIS) sa pagpaparehistro ng sasakyan sa Land Transportation Office (LTO) at ipinagpaliban ang implementasyon ng Child Car Seat Law.

Ikinatuwiran ng Pangulo  sa kanyang desisyon ang nararana­sang kahirapan ng mga mamamayan dulot ng CoVid-19 pandemic at African Swine Flu (ASF).

“Hindi na po mandatory ang MVIS. Ibig sabihin, kinakaila­ngan walang bagong singil, walang karagda­gang singil para sa pagpaparehistro ng mga sasakyan. Ito po ang naging desisyon ng Presidente para ibalanse ng Pangulo ang pinagda­raanan ng ating mga kababayan sa gitna ng krisis na nararanasan hindi lang po ng Filipinas kung hindi ng buong mundo dahil nga po sa CoVid-19 at African Swine Flu or ASF,” sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque sa virtual Palace press briefing kahapon.

“Nagdesisyon na po ang ating Presidente, ipinagpaliban po or deferred ang pagpapa­tupad o implementasyon ng child car seats,” dagdag niya.

Ang pasya ng Pangulo na ipahinto ang MVIS ay kasunod ng pagkuwestiyon ng mga senador sa legal na basehan ng pagsasa­pribado ng vehicle inspection at reklamo ng mga motorista sa napakalaking bayarin para makapagparehistro ng sasakyan sa LTO na umabot sa P3,000 dahil sa MVIS at emission testing fee na naging P1,500 mula sa dating P500.

2016 CAMPAIGN PROMISE

Naging magka­kasu­nod ang pagiging ‘bida’ ni Pangulong Duterte sa pagharang sa mga patakarang kontra-mamamayan ng iba’t ibang ahensiya ng pama­halaan.

Nauna rito ang pag­suspende sa dagdag na buwanang kontribusyon ng mga miyembro ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) noong nakaraang buwan.

Kamakailan ay ipinako niya ang presyo ng kasim/pigue sa P270 kada kilo, liempo sa P300/kilo at dressed chicken sa P160 bawat kilo sa Metro Manila sa loob ng 60 araw.

Noong nakaraang linggo ay pansamantala niyang ipinagpaliban ang implementasyon ng Child Car Seat Law at ngayo’y ipinatigil ang paniningil para sa MVIS.

Ayon sa ilang observers, may kakayahan o kapangyarihan naman ang mga pinuno ng mga naturang ahensiya ng pamahalaan para huwag munang ipatupad ang mga patakaran na kal­baryo sa mga mamama­yan sa panahon ng pandemya.

Dagdag ng observers, tila may pattern na o sinasadya ng mga pinuno ng ahensiya ng pama­halaan ang anti-people policy upang humakot ng pagtutol mula sa publiko at biglang ‘eeksena’ si Pangulong Duterte na aastang ‘tagapagligtas’ ni Juan dela Cruz.

Tinanong si Roque sa Palace virtual press briefing kung bakit kailangan ang Pangulo ang laging magpatigil  sa anti-people policy ng mga ahensiya ng pamahalaan at kung wala bang kaka­yahan ang mga pinuno nito na magpatupad ng wastong patakaran batay sa sitwasyon ng bansa.

Ang tugon ni Roque, “Ang Presidente po kasi ang nangako nang mas komportableng buhay para sa lahat. So tinutupad lang po niya ang pangako niya noong eleksiyon.”

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *