Saturday , November 16 2024

CoVid-19 vaccine ng PSG, legal na

NAG-ISYU ang Food and Drug Administration (FDA) ng compassionate use of license para sa 10,000 doses ng CoVid-19 vaccine ng Sinopharm na nakabase sa China para sa mga tauhan ng Presidential Security Group (PSG) at kanilang mga pamilya.

“Nag-isyu ng compassionate use license ang ating FDA para sa 10,000 dosage ng Sinopharm. Ito ay sang-ayon sa application ng ating PSG,” sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque kahapon.

Nauna rito’y inamin  ng PSG nabakunahan ang kanilang mga miyembro noon pang Setyembre at Oktubre ng nakaraang taon kahit na hindi pa inaaprobahan ng FDA.

Hanggang noong nakaraang buwan ay hindi pinapansin ng PSG  ang isinasagawang imbestigasyon ng Department of Health (DOH) sa paggamit nila ng smuggled at hindi awtorisadong anti-CoVid-19 vaccine na gawa ng Sinopharm.

“The secretary of health sent a letter to the PSG asking for a list of whoever was vaccinated, if they were and what the vaccine was so that they can be monitored and checked for adverse events, but I don’t think there’s been any reply,” ayon kay Food and Drug Administration (FDA) director general Eric Domingo.

(ROSE NOVENARIO)

 

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *