Monday , December 23 2024

Chinese herbal medicines sa Binondo kailan isasaayos ng DOH-FDA?

NAGIGING perennial at paulit-ulit ang problema ng mga Chinese herbal medicines dealers o kahit ng mga outlet o tindahan nila sa Binondo, Maynila.

Paulit-ulit at patuloy na sinasabi ng Food and Drug Administration (FDA) mag-ingat sa mga nabibiling Chinese medicines sa Binondo.

Maliban sa rason na hindi naiintindihan ang label at literature ng Chinese medicines, o kung nakasulat man sa English ay mali ang grammar kaya nakalilito ang instructions, wala nang iba pang sinabing rason ang FDA kung bakit hindi dapat tangkilikin ang mga Chinese herbal medicines na nabibili sa Chinatown.

Noong kasagsagan ng pananalasa ng pandemyang CoVid-19, lumusot sa merkado ang Lianhua Qingwen.

Sabi, maraming Chinese nationals na nagtatrabaho ngayon sa malalaking casino sa bansa o POGO industry, ay nabiktima ng CoVid-19. At ‘yun nga tanging Linghua Qingwen ang sinabing iginamot nila laban sa CoVid-19. Marami umano ang gumaling.

Kasunod nito, kabi-kabila ang ginawang  pagsalakay ng mga awtoridad kasama ang mga operatiba ng FDA sa mga hinihinalang illegal Chinese hospitals. Maraming nakuha sa kanilang gamot na Lianhua Qingwen. Kinompiska.

Pero paglaon, idineklarang legal na ang Lianhua Qingwen sa bansa, bilang isang yellow prescription drug.

Saan kaya napunta ‘yung mga kinom­pis­kang Lianhua Qingwen? Ibinalik ba sa may-ari o ibinenta ng mga operatiba?

Ngayong naka­pag­­papasok na naman ng Chinese medicines sa bansa at bakuna laban sa CoVid-19, maiisipan na kaya ng FDA na i-regulate ang mga Chinese medicines na madalas makita sa Chinatown?

Ang hirap kasi sa FDA, madalas naman mamasyal sa Chinatown ang mga operatiba nila, bakit hindi unti-unting mag-effort para mai­saayos doon ang mga nagtitinda ng Chinese meds?!

Iniisip tuloy ng mga negosyanteng nagtitinda ng Chinese medicines sa Ongpin, sinasadya ng FDA na huwag silang i-regulate, nang sa gayon ay lagi silang may ino-orbit-an?!

Arayku!

Director General Eric Domingo Sir, naniniwala naman tayong seryoso kayo sa pagganap ng inyong tungkulin para sa sambayanan, puwede kayang lubusin na ninyo?!

Ayusin na ninyo ang mga outlet sa Chinatown na nag­ti­tinda ng Chinese medicines nang sa gayon ay maging lubos ang pagtulong nila sa kani­lang mga kababayan ganoon din sa mga Pinoy.

DG Domingo Sir… galaw-galaw!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *