HINIMOK ni Angeles City Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin, Jr., ang mga kinatawan ng Clark Water Corporation hinggil sa waste water treatment ng mga investors sa Clark sa kanyang pakipagtalastasan kasama si Governor Dennis “Delta” Pineda, nitong Martes, 9 Pebrero sa Clark Free Port Zone, sa lungsod ng Angeles, lalawigan ng Pampanga.
Layunin nitong palaguin ang greening campaign ng siyudad upang matugunan ang isyu ng kalikasan, partikular sa suplay ng tubig.
Alinsunod nito, umaapela si Lazatin sa tanggapan ng Bases Conversion Development Authority (BCDA) upang payagan silang i-develop ang 560 ektaryang lupain na kinasakupan ng Brgy. Sapang Bato sa pagiging Forest Park at Watershed upang masiguro ang suplay ng tubig sa lungsod.
Kapag pinahintulutan ng BCDA, imamantina ito ng pamahalaang lungsod ng Angeles sa loob ng 50 taon.
Maglalaan si Lazatin ng P3 milyon bawat taon upang masustinahan ang malawakang reforestration sa lugar. (RAUL SUSCANO)