Monday , November 18 2024

Feng Shui sa Year of the Ox 2021

Kinalap ni Tracy Cabrera

ITO ang panahon muli para alamin kung ano ang nakalaan para sa atin ngayong may bagong taon tayong hinaharap — batay sa Chinese zodiac — na sinasabing aayon ngayon sa Year of the Ox.

At lubhang mahalaga ito makaraang malusutan natin ang halos isang taong pandemya ng coronavirus at gayon na rin ang sunod-sunod na kalamidad na tumama sa ating bansa sa nakaraang taon.

Kaya nga marami sa atin ngayon ang inaabangan kung ano ang perspektibo ng Traditional Chinese Metaphysics, o sa pangkaraniwang tawag ay “Feng Shui.”

Sa Feng Shui, ang hindi nakikitang puwersa ng natural na enerhiya ay kahintulad sa kapangyarihan ng ating pagtanaw na angkin ng bawat isa sa atin, at ito rin ang pagtanaw o vision sa ating kinabukasan.

Dito rin nais nating magamit ang ‘Qi’ na nakakubli sa atin tahanan (o tanggapan) upang maganda ang maging takbo ng buong taon. Wala na kasing hahalaga pa sa pagkakaroon ng kapayapaan sa kaisipan na maiiwasan natin ang anumang masama na maaaring mangyari kaya pinag-iingatan natin ito.

Popular na kasabihan ang “home sweet home” ngunit paano nga ba natin matitiyak na ang mga enerhiya ay naroroon nga sa ating pamumuhay at paano masisimulan para makatulong ito sa atin?

Ang una ay i-declutter  natin o alisin ang mga lumang kagamitan o bagay at palitan ng bago.

Dahil ang bagong lunar New Year ay nariyan lang at parating na, nangangahulugan din na kailangan natin ang spring cleaning sa pagsalubong ng bagong taon.

Darating ito sa Pebrero 12 (ayon sa Gregorian calendar). Ang hindi nga lang alam ng karamihan, ang aktuwal na incoming year ng Metal Ox ay naganap na noong 3 Pebrero sa ganap na 10:59 pm.

Ngayon, kung hindi man kayang i-declutter ang ating tahanan o tanggapan, subukang gawing simple. Lagyan pa ng espasyo para maging maluwag at kaaya-aya dahil dito papasok ang karagdagang ‘Yang o positibong enerhiya.

Kailangan iwaksi ang mga negatibong bahagi ng ating lugar.

Ang Chinese Metaphysics ay sinusunod sa nakalipas na libong taon at bilang isang uri ng sinaunang siyensiya, mahalaga ang pagiging mapagmatyag sa lahat ng mga kaganapan upang dito’y maihango ang kailangang enerhiya at gawain na aayon sa ating poisitibong enerhiya.

Ngunit bago tayo magtuon ng pansin sa mabuting ‘Qi’ sa ating tahanan at tanggapan, may mga negatibo rin sektor na kailangan nating iwasan.

Ang tawag dito ay ‘Sha-Qi’ o unfavourable energy, na maaaring makapagdala sa atin ng ‘kamalasan.’ Alam naman natin siguro na ang lahat ng bagay ay may dalawang hugis — isang negatibo at isa rin positibo—tulad ng barya na mayroong kara at krus.

Para sa taong 2021, kailangan nating bawasan ang panahon sa pagtigil sa southeast sector at sa halip ay sundin ang sumusunod:

Iwasan ang anumang renovation o pagwasak ng haligi, at iba pa.

Huwag ilipat ang inyong mga furniture, kahit may mga bago pa, o alisin ang mga luma.

Huwag maglagay ng exposed na mga water containers/tanks/storage sa nasabing sektor, tulad ng malaking aquarium o fountain.

Gaya nga ng sabi, “some things are better left untouched.”

About Tracy Cabrera

Check Also

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

Dr. Teresita A. Tabaog, Regional Director of the Department of Science and Technology Region 1 …

Hotel Sogo NCIP MOU Signing

Hotel Sogo and NCIP Forge Partnership to Support Indigenous Communities

A Memorandum of Understanding (MOU) was signed between the Hotel Sogo and National Commission on …

NIVEA South Korea

Nivea’s 10 out of 10 care celebration continues, empowering you to embrace your glow

NIVEA, your trusted skin care partner, recently marked a significant milestone in its commitment to …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *