Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Banta sa ABS-CBN vendetta sa panahon ng pandemya (Kahit may bagong franchise walang operasyon — Duterte)

ni ROSE NOVENARIO

BINATIKOS ng iba’t ibang grupo ang banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya pahihintulutan ang National Telecommunications Commission (NTC) na isyuhan ng permit to operate ang ABS-CBN kahit bigyan ng prankisa ng Kongreso.

“Congress is planning to restore the franchise of the Lopez. I do not have a problem if you restore it. But if you say that if they can operate… I will not allow them. I will not allow the NTC to grant them the permit to operate,” sabi ng Pangulo sa kanyang public address kamakalawa ng gabi.

“Unless and until the Lopezes pay their taxes…  I will ignore your franchise and I will not give them the license to operate. Kalokohan ‘yan. Parang binigyan mo sila ng prize for… committing criminal acts,” giit niya.

Ayon sa grupong Pirma Kapamilya, patuloy na nagkakalat ng kasinungalingan si Pangulong Duterte hinggil sa tax issue ng ABS-CBN kahit wala siyang malinaw na ebidensiya at mismong ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ay humarap sa Kongreso at sinabi na walang atraso sa pagbabayad ng buwis ang network.

“The President continues to spread lies about the tax issue of the network even in the face of clear evidence: no less than the Bureau of Internal Revenue (BIR) cleared the network of any tax obligations,” anang grupo sa isang kalatas.

Ang pahayag anila ng Pangulo ay patunay na ang pagbasura ng Kongreso sa prankisa ng ABS-CBN ay personal vendetta niya kahit naisakripisyo ang viewing public, press freedom at libo-libong empleyado ng network ang nawalan ng trabaho

Sintomas anila ito ng ‘personalan politics’ ni Pangulong Duterte na hindi kailangan sa panahon ng pandemya.

Ang mga litanya anila ng Pangulo laban sa ABS-CBN ay mga nilubid na kasinungalingan at script na ipinangangalandakan niya upang ibayong litohin at hatiin ang publiko.

“We call out his statement for what it is: a string of lies and script that he continues to spread to further confuse and divide us. It stems from personal vendetta, an unreasonable obsession against the network resulting to a clear disservice to the viewing public.”

“We can only hope that he diverts his limited energy to the pandemic which he sorely mismanaged, the extent of corruption allowed by his government, the rising prices of commodities, and the crumbling economy,” giit ng grupo.

Hindi malaman ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) kung dapat nilang pasalamatan sa pinakahuling banat laban sa ABS-CBN dahil napatunayan ang nauna nilang pahayag na ang shutdown ng network ay isang personal vendetta na tinulungang selyohan ng ‘tutang’ Kongreso.

Kung naniniwala anila ang Pangulo na may pagkakautang sa buwis ang network, dapat sampahan ang pamilya Lopez ng kaso at sakaling magkaroon ng bagong prankisa ang network ay puwede naman niya itong i-veto kaysa utusan pa ang NTC na huwag bigyan ng permit to operate.

“Unless he is no longer so sure about his grip on a once subservient chamber and fears a veto override,” dagdag ng NUJP.

Hindi pa anila huli ang lahat para isalba ng mga kongresista ang kanilang mga reputasyon upang patunayan na sila’y mga miyembro ng co-equal at independent branch of government alinsunod sa Saligang Batas at hindi na pumapayag na maging kasabwat sa patuloy na pagkubkob sa kalayaan sa pamamahayag at lahat ng iba pang karapatan at Kalayaan.

Paliwanag ni Presidential Spokesman Harry Roque, “Well, kagaya ng sinabi po ng Presidente, na nakakalap siya ng impormasyon na nagkaroon ng paglabag ng batas, ng ating Anti-Graft Law noong nauna na ibinenta ng ABS-CBN sa isang… ang kaniyang mga ari-arian at naka-condone umano iyong ilang loans niya sa DBP at na-acquire muli ng ABS-CBN iyong mga same assets na iyon for a… Iyon po ang pagka­kaintindi ko. Pero ang sabi po ni Presidente, ire-refer niya ang bagay na ito sa Ombudsman. So, Ombudsman na po ang magre-review kung mayroong cause of action for any violation of our Anti-Graft Laws.”

Itinanggi ng Development Bank of the Philippines (DBP) na walang loan condonation na ginawa pabor sa mga Lopez.

Noong nakalipas na buwan ay naghain ng magkahiwalay na panukalang batas sina Senate President Vicente Sotto III at Deputy Speaker Vilma Santos Recto para pagkalooban ng bagong franchise ang ABS-CBN.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …