Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sabong manok

2 arestado sa tupada

SWAK sa kulungan ang dalawang sabungero makaraang abutan sa maaksiyong habulan nang maaktohang nagtutupada sa Malabon City, kamaka­lawa ng hapon.

Kinilala ang mga nahuling nagtutupada na sina Jigger Roque, 28 anyos, isang vendor, residente sa Mallari St., Brgy. San Agustin; at si Leo Amoroto, 30 anyos , fish porter ng Block 30 Lot 24 Phase 1B Brgy. North Bay Boulevard South.

Batay sa ulat ni P/SSgt. Jose Romeo Germinal, may hawak ng kaso, dakong 2:35 pm nang matiyempohan ang isang grupo ng mga kalalakihan na nagkukumpulan sa tupada.

Nadaanan ng mga tauhan ni P/Maj. Vencito Cerillo ng Sub-Station 5 ng Malabon City Police habang nagsasagwa ng Oplan Galugad ang mga suspek sa nasabing lugar.

Dito nagtakbuhan ang mga lalaki hanggang abutan ang dalawang suspek na may hawak na manok.

Nakuha ang isang patay na manok at hala­gang  P2,179 na pusta habang nahaharap ang mga suspek sa paglabag sa  PD 1602 Illegal Cockfighting. (R. SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …