Wednesday , November 20 2024
NAGSUOT ng red armband ang mga Immigration Officer (IO) na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) hindi para magprotetsa kundi upang maipaabot kay Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang kanilang kalagayan matapos tanggalin ang kanilang overtime pay. Mahigit sa libong pasahero ang dumarating at umaalis sa bansa ngunit patuloy pa rin nilang ginagampanan ang kanilang tungkulin kahit marami sa kanila ay naka-leave habang ang iba ay nag-resign at lumipat ng trabaho upang matugunan ang pangangailangan ng pamilyang sa kanila ay umaasa. (JSY)

Augmentation ng IOs sa BI-NAIA, tama ba!?

GINULANTANG ng magkakasunod na Personnel Orders at Travel Orders ang grupo ng Immigration Officers sa iba’t ibang paliparan sa Region 6.

Maging ang paliparan sa Puerto Prinsesa na sakop ng Region 4-B ay hindi rin nakaligtas.

Layon daw ng ipinadalang POs at TOs ay magkasa ng “staff augmentation” na pangungunahan ng mga napiling IO para sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Naturalmente, halos lahat ay nagulat. Para sa kanila ay “very untimely and unjust” ang naturang augmentation.

“Untimely” dahil alam naman ng lahat na may mga ipinatutupad na travel restrictions ang bawat lugar sa Filipinas at mahirap para sa mga panahong ito ang maglipat-bahay ora mismo.

“Unjust” dahil bakit kinakailangan pang magpasaklolo sa ibang airports considering na iilan lang naman ngayon ang international flights na pumapasok at umaalis sa ating bansa?

Ayon sa ilan nating nakausap sa BI-NAIA, nakapagtataka talaga na iilan lang ang nakikitang naka-duty sa immigration counters lalo sa arrival area.

Kung titingnan naman daw ay marami silang nakikitang Immigration Officers na naka-uniporme ng itim kada araw ngunit bakit kapag may dumarating na international flights ay unti-unting silang nawawala sa area?

Huh?!

Uso na raw ba ang ‘larong taguan pung’ sa BI-NAIA?!

‘Pag walang flights, todo rampa pero pag may dumating na, parang mga dagang nagtatago kung saan-saan?

Susmaryosep!

Ano bang iniiwasan ng mga IO? Tamaan ng CoVid-19 o sadyang naglipana lang sa ngayon ang ‘lang-magu’ sa trabaho?

Sa totoo lang sobra-sobra ang bilang ng mga IO sa BI-NAIA pero tila hindi kayang kontrolin ng mga opisyal ng Port Operations Division (POD) ang nakaririmarim na attitudes ng karamihan sa kanilang mga IO.

Kaya naman kinakailangan pang magpa-augment galing sa malalayong lugar para lang pagtakpan ang pagiging pasaway ng mga IO sa NAIA!

Pagtakpan ba dapat?

Bakit hindi bigyan ng leksiyon para matauhan!?

Marami raw sa mga naka-duty ang magtatatak nang ilang minuto at pagkatapos ay tatayo na raw kesehodang talakan pa sila ng Duty Immigration Supervisor?

Well, sabagay hindi naman nakapagtataka na ganyan ang umiiral na work attitude ng mga IO riyan lalo’t bagsak ang kanilang delihensiya.

Kaya nga hindi ‘swak’ sa kanila ang taguan pung noong kasagsagan ng ‘pastillas.’

Actually, noong bet na bet pa ng mga IO ang favorite dessert nilang pastillas ay laging 100% ang manpower sa airport.

Kahit kailangan na raw silang palitan sa counters ay ayaw pang magsitayo ng mga kilalang tulisan.

Kung puwede nga raw hindi na sila umuwi ay gagawin nila kahit tambakan pa sila ng mga paparating na tsekwa at papaalis na turistang Pinay patungong Malaysia, Hong Kong, Dubai at Lebanon.

Sabagay sino nga naman ang gaganahan sa kanila lalo at kulang ang kanilang supplies na ‘Vitamin D’ at ‘Vitamin K.’

‘D’ for datung and ‘K’ for kitakits!”

Sonabagan!

And since wala nga naman daw supply na energizer na ‘vitamins D and K’ kaya maghabol na lang  daw kayo sa tambol mayor kung mapag-duty ninyo nang maayos ang mga IO na ‘yan ngayon!

By the way, speaking of ‘taguan pung’ minsan nangyayari rin daw ito sa ‘malls’ malapit diyan sa NAIA.

Kahit itanong n’yo pa kay IO Yvette De Tigre na bet na bet daw ang game na ‘yan!?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *