Saturday , November 16 2024

DENR pinagpapaliwanag sa illegal dredging activities ng Chinese vessels sa PH sea

PINAGPAPALIWANAG ng Palasyo ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa ginagawang illegal dredging activities ng Chinese vessels sa Filipinas.

Inihayag ng Palasyo ang direktiba kasunod nang pagdakip ng Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Customs (BoC) sa isang Chinese dredger dahil sa “illegal and unauthorized presence” sa  karagatan sa Orion Point sa Bataan.

“Ang tanong: saan ginagamit itong mga dredging vessels na ito? Baka naman iyan ay ginagamit dito sa ilang mga lugar sa Filipinas na may pagpayag ng mga lokal na pamahalaan,” ani presidential spokesman Harry Roque kahapon.

Nais malaman ng Palasyo kung ginagamit ang Chinese dredger sa black sand operations nang mabisto ito sa Orion.

“Ako po ay taga-Bataan ‘no, e anong ginagawa niyang dredging vessel na iyan sa malapit sa Orion, ang hometown ng aking lola, e malapit po iyan doon sa lugar na alam nating kinukuhaan ng black sand diyan sa Zambales. So ang nais kong malaman: ginagamit ba ito para sa black sand operation diyan sa mga karatig bayan ng Bataan at sinong nagbibigay permiso rito?”

“So ibig sabihin po, hindi naman pupunta iyan dito kung walang gumagamit niyan at ang nais kong malaman — sana po mabigyan ng kasagutan ng DENR – ay ginagamit ba itong mga Chinese dredging vessels na ito para kunin iyong tanging yaman ng Filipinas at ipadala sa ibang bansa?” diin ni Roque.

Sa kanyang talumpati noong 1 Agosto 2016 ay binigyan ng go signal ni Pangulong Rodrigo Duterte si noo’y DENR Secretary Gina Lopez para imbestigahan ang ulat na tinulungan ni dating Zambales Gov. Hermogenes Ebdane ang China para matambakan ng lupa upang maangkin ang Panatag  (Scarborough) Shoal na sakop ng Masinloc, Zambales at bahagi ng West Philippine Sea (WPS).

Buo aniya ang kanyang suporta kay Environment Secretary Gina Lopez kay ipasisiyasat niya ang isiniwalat ni Zambales Governor Amor Deloso na pinayagan ni Ebdane na magbenta sa China ng lupa at malalaking bato mula sa tatlong bundok ng lalawigan  na ginagamit sa mga reclamation projects sa Panatag Shoal.

“Yes, Gina Lopez has my full support,” anang Pangulo kung paiimbes­tigahan si Ebdane sa media interview sa Rizal Hall ng Palasyo kahapon.

“You sell your country to the dog, oppressing the people ,” sabi pa niya.

Kung natuloy ang imbestigasyon o kung ano ang resulta nito ay hindi na nagpahayag ang Palasyo.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *