Wednesday , November 20 2024

Contact tracing czar ‘naaskaran’ ng netizens dahil sa bonggang birthday party ni Tim Yap sa The Manor, Camp John Hay

NANGHINAYANG tayo sa pagkakasangkot ni contact tracing czar at Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa ‘pagmamagaling’ ng celebrity na si Tim Yap (TY) sa idinaos niyang birthday party sa The Manor sa loob ng Camp John Hay.

Naawa tayo kay Mayor Magalong dahil habang nagpapaliwanag siya ay ‘pilipit’ niyang ipinagtatanggol si Yap (nagkataon lang po na magkaapelyido kami) dahil sa pagtanaw ng ‘utang na loob.’

Pinasasalamatan kasi ni Mayor Magalong si TY sa pagdalo noong closing ng Ibagiw Arts Festival nitong nakaraang Disyembre 2020 at bumili ng maraming obra ng kanilang mga lokal na alagad ng sining.

Bukod sa pagbili ng maraming obra o likhang sining, sinabi ni Mayor Magalong na tumutulong daw si TY na para muling palakasin ang turismo sa Baguio.

‘Yun din kaya ang dahilan kung bakit walang tutol kahit labagin ang ordinansa o ang health protocols na itinatakda ngayong panahon ng pandemya?!

Tayo po ay nagtatanong lang.

Pero ang netizens sa social media grabeng ‘inaskaran’ si Mayor Magalong sa kanilang comments.

E mantakin naman ninyong contact tracing czar pero kasama sa mga lumabag ‘slightly’ (daw) sa hindi pagsusuot ng facemask?

Ang laki talaga ng pagkakaiba ng trato sa may pera at walang pera.

Kapag ‘yung mga kababayan nating nakikitang halos kung ano-anong improvised facemask at malabong face shield ang hinubad saglit — saglit lang ha — para uminom ng tubig, agad sisitahin at dadamputin. Kapag medyo pumalag-palag pa o sumagot-sagot, baka bigla na lang magkaroon ng sachet ng shabu sa bulsa ng pantalon.

Wattafak!

Hanggang kahapon, pinaninindigan nina Mayor Magalong at Tim Yap, na saglit lang silang naghubad ng facemask dahil umano sa photo op at kainan.

Walang duda ang bilib natin kay Mayor Magalong kaya ayaw nating sabihin patungkol sa kanya ang kasabihang: “Ang sinungaling ay kapatid ng magnanakaw.”

Ang punto lang po natin, puwedeng mag-sorry kapag nagkamali, at harapin ang consequences ng mga pagkakamaling ito.

Huwag bigyang katuwiran ang pagkakamali — kasi nga, ang mali ay mali. Nagawa na ito. Ang puwede lang gawin ay mag-sorry at huwag nang ulitin ang pagkakamali, at sikaping mag-rectify.

Saka por Dios por Santo, kailangan bang i-promote ng isang Tim Yap ang Baguio City? Gayong ang lahat ng tao ay nasasabik makapag-Baguio lalo ngayong papasok ang tag-init?

Hindi lang mga Pinoy ang nagnanais mag-Baguio ngayong tag-init, maging mga dayuhan ay naghihintay.

Kung hindi nga lang nagkaroon ng UK variant ng CoVid-19 o B117 sa Bontoc, Mountain Province; at La Trinidad, Benguet, baka dagsa na ang tao ngayon sa Baguio.

Noong maikolum natin ang nagaganap na paglabag sa health protocols sa Crosswinds Tagaytay, agad nag-utos si Mayor Agnes Tolentino na sarado ang Tagaytay tuwing Lunes para magsagawa ng disinfection ang lahat ng establisimiyento.

Ang City Garden Hotel sa Makati, na kinaganapan ng Dacera case ay ipinasara rin dahil sa paglabag sa health protocols.

Ganoon din ang La Picara Restaurant sa Bonifacio Global City na pinagdausan ng birthday ni Raymund Gutierrez na ipinasara ng local government unit (LGU) dahil sa paglabag sa protocol.

E ang The Manor? Wala bang balak ang Baguio City na ipasara ang The Manor dahil sa paglabag sa health protocol?!

Ano sa palagay ninyo Mayor Magalong?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *