BINIGYAN ng go signal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakaroon ng limited face-to-face classes para sa medical and allied health programs sa mga institusyon sa mga lugar na nasa general community quarantine (GCQ) at modified GCQ.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque ang desisyon ng Pangulo ay batay sa rekomendasyon ng Commission on Higher Education (CHED) upang hindi maubusan ang bansa ng mga doktor na mangyayari kung hindi pa ibabalik ang face-to-face classes.
Hindi aniya nagdalawang isip ang Pangulo nang aprobahan ang rekomendasyon ng CHED kahit may banta ng bagong coronavirus variant.
Ayon sa CHED, kailangan magsumite ng aplikasyon ang iba pang mga eskuwelahan na nais magsagawa ng limited face-to-face classes.
Pagkatapos ay bibisitahin ng education authorities ang campus para inspeksyonin kung nagko-comply sa requirements para sa face-to-face classes.
Kamakailan, pinayagan ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases ang University of the Philippines College of Medicine (UPCM) na ibalik ang kanilang face-to-face clinical internship sa Philippine General Hospital (PGH).
(ROSE NOVENARIO)