Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Carla, ‘di kayang talbugan ni Rhian

AYAW patalo ni Carla Abellana kay Rhian Ramos sa mga eksena nila sa Love of My Life.

Good girl kasi ang role ni Carla at very controversial naman ang mga pinaggagagawa ni Rhian.

Lasengga  si Rhian kaya higit na umaagaw ng atensiyon ang acting niya. Minsan nga nagsusuka pa sa kalasingan kaya’t ibang-iba ang image na ginagampanan ni Carla.

Lumulutang ang ganda ni Carla sa serye. Simple lang siyang mag-ayos at magbihis pero agaw pansin ang beauty. Hindi naman nakapagtataka dahil apo siya ng dating LVN star na si Delia Razon na isa sa pinakamagan­dang artista noon.

Birhen La Purisima Concepcion, kokoronahan

SA February 1 kokoro­nahan ang Birhen La Purisima Concepcion sa harapan ng simba­hang Katoliko ng Baliwag, Bulacan, 5:00 p.m..

Pagbabalita ng Hermana Mayor ng Coronacion Episcopal, igagawad naman ni Dennis Villarojo ng Malolos, Bulacan ang naturang birhen na kokoronahan at almost 100 years nang nakabantay sa harap ng simbahan ng Baliwag.

Inaan­yayahan ang lahat na dumalo sa gaganaping koronasyon.

SHOWBIG
ni Vir Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vir Gonzales

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …