Monday , November 18 2024
Cebu Pacific plane CebPac

COVID insurance kasama sa add-on ng Cebu Pacific

UPANG mabigyan ng kapanatagan ang mga pasahero sa kanilang flight, inilunsad ng Cebu Pacific (CEB) ang COVID Protect, ang pinakabago nilang add-on sa CEB Travelsure.

Kabilang sa upgrade na ito ang mga gastusin sa pagamutan at mga gamutan na may kaugnayan sa CoVid-19.

Sa pamamagitan ng COVID Protect, ang mga pasaherong magpopositibo sa CoVid-19 ay makakukuha ng hanggang P1 milyong coverage para sa pagpapaospital at iba pang gastusing medikal.

Ang upgrade na ito sa comprehensive travel insurance plan ng Cebu Pacific ay maaaring makuha ng mga pasahero sa lahat ng domestic at international flight sa halagang P270.

Magsisimula ang coverage sa petsa ng departure mula sa pinanggalingan at magtatapos dalawang oras matapos ang arrival sa pinanggalingang flight, na may maximum travel duration na 30 araw.

Naka-underwrite ang CEB Travelsure COVID Protect sa Insurance Company of North America (isa sa mga kompanya ng Chubb). Ang Chubb ay pinakamalaking publicly traded property at casualty insurance company.

“We are very pleased to launch the CEB Travelsure COVID Protect in line with our commitment to restart travel and tourism safely and sustainably. With COVID Protect, guests will be able to travel more confidently as they are assured of coverage, especially if they have essential travel scheduled,” pahayag ni Candice Iyog, CEB Vice President for Marketing and Customer Experience.

Makaa-avail ang mga pasahero ng CEB Travelsure COVID Protect sa pagbo-book ng kanilang flight sa website ng Cebu Pacific. Sa mga pasaherong mayroon ng CEB Travelsure, maaari silang bumili ng add-on ng COVID Protect hanggang dalawang oras bago ang kanilang flight sa pamamagitan ng pagpunta sa ‘Manage Booking’ portal website.

Ang Chubb ay mayroong 24/7 Emergency Assistance Hotline, at puwedeng mai-file ang claims online.

Ang CEB TravelSure ay komprehensibong travel insurance plan ng Cebu Pacific na nagbibigay ng malawak na proteksiyon sa mga biyahe na maaaring mag-cover sa mga gastusing may kaugnayan sa kalusugan, pagkawala ng mga gamit, kanselasyon ng biyahe, emergency assistance, at iba pang hindi inaasahang pangyayari.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa: https://www.cebupacificair.com/pages/plan-trip/add-ons/travelsure (KARLA OROZCO)

About Karla Lorena Orozco

Check Also

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

Dr. Teresita A. Tabaog, Regional Director of the Department of Science and Technology Region 1 …

Hotel Sogo NCIP MOU Signing

Hotel Sogo and NCIP Forge Partnership to Support Indigenous Communities

A Memorandum of Understanding (MOU) was signed between the Hotel Sogo and National Commission on …

NIVEA South Korea

Nivea’s 10 out of 10 care celebration continues, empowering you to embrace your glow

NIVEA, your trusted skin care partner, recently marked a significant milestone in its commitment to …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *