Monday , December 23 2024

3-buwan P10K ayuda at price control dapat ibigay ng gobyerno sa mahihirap (Para makabangon sa epekto ng pandemya)

KAGYAT na bigyan ng P10,000 ayuda sa loob ng dalawa hanggang tatlong buwan ang mga pamilyang mahihirap at kontrolin ang presyo ng mga bilihin, ang dapat iprayoridad ng administrasyong Duterte upang maisalba sa matinding dagok ng pandemya sa kanilang kabuhayan.

Ipinanukala ito ng research group na Ibon Foundation sa pamahalaan sa gitna ng kawalan ng trabaho at pagbagsak ng kita ng mga pamilyang maralita at pagsasamantala ng mga negosyante .

Anang Ibon, ang pangma­tagalang solusyon sa paglobo ng halaga ng mga bilihin ay makabuluhang suporta ng gobyerno sa mga magsasaka at mangingisda upang lumaki ang kanilang produksiyon.

Ipinunto nito ang patuloy na pagbawas ng pondo para sa agrikultura sa pambansang budget, mula sa 3.6% noong 2019 sa 3.2% ngayong 2021.

Iginiit ng Ibon ang panga­ngailangan para sa umento sa sahod na matagal nang hindi nararanasan ng mga obrero sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Anang Ibon, naranasan ng mga manggagawa ang pinaka­matumal na wage hike sa panahon ng administrasyong Duterte at pinakamaliit na umento sa sahod sa nakalipas na 35 taon.

Ang nakalipas na mga administrasyon ay nakapag­patupad ng anim hanggang pitong beses na wage hike at maging ang mahigit dalawang taon na  Estrada administration ay dalawang beses itinaas ang sahod.

Sa kasalukuyan, ipinatutu­pad ang P537 minimum wage sa National Capital Region ay kapos dahil aabot sa P1,057 ang family living wage o ang halagang kailangan ng isang limang kataong pamilya upang mabuhay ng maayos. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *