Sunday , December 22 2024

BI tourist visa section nangangamoy ‘lechon’

MATAGAL na tayong walang naririnig na balita magmula nang magpalit ang liderato sa Tourist Visa Section sa BI Main office.

Magmula nang nawala ang dating hepe roon na si Immigration Officer Mark Gonzales ay tila napakatahimik ang buong TVS sa leadership ng hepe ngayon na si Raul Medina a.k.a. Johnny Bravo.

Alam naman natin na isa ang TVS sa may pinaka-juicy na section kung pag-uusapan ang kitaan sa BI.

Tahimik ngunit mapang-akit at mapanganib!

Kaya pala namamayagpag ngayon ang isang bagman ‘este IO sa opisinang ‘yan?!

Kilala kaya ni Sir Raul ang taong ‘yan na very close daw sa kanya?

Imagine, kung ilang libo ang dumaraang pasaporte at transaksiyon diyan kada araw kaya naman kahit sino ang mapunta riyan ay hindi maiiwasan na mamamantikaan nang husto ang mga nguso?!

Well, in fairness kay Medina, maraming nagsasabi na madali raw siyang kausap kung ikokompara sa mga nagdaang hepe ng section na ‘yan.

Magaling din daw mag-alaga ng mga tao kaya naman okay sa alright ang bawat isang nandiyan sa kanya, maliban sa hindi nagustohan kailan lang ng ilang abogado sa BI Main ang lantarang pag-bypass sa kanila ng nakagawiang proseso tungkol sa mga nag-overstay na foreign nationals ng more than two years?!

Kung dati raw ay idinaraan sa Legal Division ang kaso upang doon humingi ng rekomendasyon, sa klase ay nag-solo flight na yata ang TVS at rektang pinapipirmahan ang order sa OCOM??

Wattafak!?

Less ang participation, so less din ang bibigyan ng commission, ganoon kaya?

Well, well, well!

By the way, may isang IO raw sa Main Office ang nagbabalak na sungkitin ang pagiging hepe ng TVS?

Miyembro raw ng kilalang kapatiran sa BI ang IO at nakakuha ng endorsement sa kanyang ‘nong-’ ni na si House Speaker Lord Allan Velasco?!

Lagot!

Nangangamoy revamp ba sa TVS?

Abangan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *