Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sen. Bong sa halikan nila ni Sanya: Nanginig at nailang ako

NOONG Martes, January 19, ginanap ang oathtaking ng mga bagong opisyales ng Phiippine Movie Club, Inc.(PMPC), na isa kami roon. Si Sen. Bong Revilla ang inducting officer.

Sa pagdating ni Sen. Bong sa venue, napansin namin na ang gwapo pa rin niya. Hindi tumatanda ang hitsura. Kaya naman tinanong namin siya kung anong sikreto niya. ”Para hindi ka tumanda, kailangang matuto kang magpatawad at magmahal sa kapwa,” sabi ni Sen. Bong.

So, pinatawad niya na ‘yung mga nagkasala sa kanya?

Hindi na namin binanggit ‘yung mga taong alam namin na nagkasala sa kanya. Alam naman niya kung sino-sino ang tinutukoy namin.

“Pinatawad ko sa na silang lahat,” natatawang sagot niya.

Samantala, hindi lang si Sen. Bong ang excited na muling magbalik sa telebisyon dahil maging ang kanyang mga tagahanga ay sabik na sabik nang mapanood ang bago niyang teleserye na Agimat Ng Agila na ipalalabas sa GMA 7 by February or March. Ang nasabing serye ay fantasy adventure na punompuno ng aksiyon, drama, at katatawanan.

Binusisi at pinagandang mabuti ito ng kanilang direktor na si Rico Guttierez at si Nap Jamir ang direktor ng photography.

Ginagam­panan ni Sen. Bong ang isang forest ranger na makikipag­sagupa sa masasamang elemento na tiyak na magugustu­han ng mga bata dahil may halo itong agimat at kapangyarihan kaya pinamagatang Agimat Ng Agila.

Si Sanya Lopez ang gumaganap na leading lady ni Sen. Bong.

Puring-puri niya ang dalaga.

Sabi ni Sen. Bong, ”She’s a very good actress. Sa tingin ko, ‘yan ang mga may future na maging reyna (sa showbiz).”

May kissing scene sa Agimat Ng Agila sina Sen. Bong at Sanya. Sa tanong sa magiting na senador kung nanginig ba sa kanya si Sanya sa halikan nila?

Natatawang sumagot ito ng, ”Actually, ako ‘yung nanginig. ‘Yung kissing scene, ako ‘yung nailang. Pero at least okey naman.”

Bakit siya nailang kay Sanya? ”Unang-una, mas bata siya sa akin. Pero she’s very professional, walang arte, walang kiyeme (sa katawan). Kaya sabi ko, malayo ang mararating nitong bata na ‘to.”

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …