Monday , December 23 2024

Roque ‘sumabog’ sa hamon ng UP prof na tuligsain si Lorenzana

ni ROSE NOVENARIO

MISTULANG machine gun na niratrat ni Secretary Harry Roque si The Source anchor Pink Webb nang hingin ang kanyang reaksiyon sa hamon ni UP journalism professor Danilo Arao sa lahat ng UP faculty at alumni na matataas na opisyal ng administrasyong Duterte na tuligsain ang pagkansela ni Lorenzana sa kasunduan.

“There is one more reaction sir that I wanted to bring in. UP journalism professor Danilo Arao was saying, he put out this challenge on his Twitter account, “UP faculty and alumni who are Duterte’s top level officials should denounce Lorenzana’s letter terminating the 1989 Accord. This disregards everything UP stands for. Should they remain silent? A six-word question: Where is your honor and excellence?”

“So let me ask you, sir, are you denouncing this letter by Secretary Lorenzana as a UP student and as a former UP professor? Are you denouncing it?” tanong ni Webb kay Roque.

Nairita si Roque sa pag-usisa ni Webb at idineklarang wala siyang obligasyon na sagutin ang hamon ni Arao.

“But you know, Pinky, I have to highlight the fact that I think the question of Arao was unfair. In the first place, why am I duty-bound to follow anything that Professor Arao says? He made appear as if it’s compulsory for me to follow him. I spent more time in UP than him. And I think, as I said, I even have…I’m even more senior academic than him ‘no. So it was not a fair question. I’m not duty-bound to follow anything that Danny Arao says,” litanya ni Roque kay Webb.

“It’s as if, if I don’t agree with Arao that I have no sense of excellence or honor,” giit niya.

Nagpakahinahon ang CNN Philippines anchor sa pag­papaliwanag sa Palace official na wala siyang intensiyon na pilitin sagutin ang hamon ni Arao, sabay hawi sa kanyang mahabang buhok.

Nag-trending ang video footage ng nasabing panayam kay Roque sa The Source kahapon sa social media.

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *