Saturday , November 16 2024

Kanselasyon ng 1989 UP-DND accord diskarte ni Lorenzana (Duterte ‘di kinonsulta)

ni ROSE NOVENARIO

SARILING diskarte ni Defense Secretary Delfin Lorenzana at hindi ikinonsulta kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkansela sa 1989 UP-DND Accord, ang kasunduang nagbabawal sa mga pulis at militar na pumasok at kumilos sa loob ng mga campus ng University of the Philippines (UP).

Inamin ito ni Presidential Spokesman Harry Roque isang araw matapos ihayag na suportado ng Pangulo ang naging pasya ni Lorenzana.

“As far I know, he [Defense Secretary Delfin Lorenzana] did not,” aniya nang tanungin kung ipinaalam ni Lorenzana kay Duterte ang desisyon, sa The Source sa CNN Philippines kahapon.

“It was a decision of the DND as a party to that contract between UP and DND,” dagdag niya.

Inalok ni Roque ang kanyang tanggapan para mamagitan sa inaasa­hang dialogo nina Loren­zana at UP President Danilo Concepcion hinggil sa kontrobersiyal na kasunduan.

“I’m asking the DND Secretary and the president of UP to sit down and I’ve offered my good office to facilitate this meeting,” aniya.

“All I’m saying is let’s talk about this, I support the steps of the UP president, and let’s see why a 30-year old accord should not be continued when it has worked apparently well for the past 30 years,” ani Roque.

Bagama’t bukas si Lorenzana sa pakikipag-usap kay Concepcion, nais niyang sagutin ng liderato ng UP kung bakit mga estudyante ng paman­tasan ang ilan sa mga rebeldeng kasapi ng New People’s Army (NPA) ang nasawi sa mga enkuwen­tro sa militar sa iba’t ibang panig ng bansa.

Nauna rito’y idina­hilan ni Lorenzana na ‘safe haven’ ng mga kaaway ng estado ang UP kaya nagpasya siyang tuldukan ang 1989 UP-DND Accord.

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *