WALANG bonggang selebrasyon sa birthday ni Catanduanes Vice Governor Imelda Papin sa January 26. Sa halip, idaragdag na lang niya sa mga ipamimigay sa mga nasalanta ng bagyo’t baha dulot ng dalawang magkasunod na unos.
Hanggang ngayon kasi’y apektado pa rin ang ilang kababayan niya na nawalan ng bahay noon. Idagdag pa riyan na bawal ang malalaking pagtitipon dahil sa mahigpit na protocol ngayon laban sa pandemic.
Buhat noong manungkulan si VG Mel, maraming pagbabago ang naganap sa kanyang buhay showbiz. Hindi na siya makapunta sa mga social functions ng showbiz. Vut definitely, happy si VG Mel pagdatinng sa pagtulong sa kapwa.
Happy birthday na lang VG Mel.
SHOWBIG
ni Vir Gonzales