Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Shows sa TV5, isa-isang natsutsugi

ANONG nangyari sa mga show ng TV5 at isa-isang natsutsugi sa ere?

Nauna nang namaalam ang Chika Besh nina Pokwang, Pauleen Luna, at Ria Atayde, ang seryeng I Got You nina Beauty Gonzales at RK Bagatsing, at ang Real Time ni Luchi Cruz Valdez.

At noong Linggo, January 17, ang last airing ng Sunday Noontime Live (SNL) nina Piolo Pascual,Catriona Gray,Jake Ejercito, at Maja Salvador gayundin ang gag show nina Ritz Azul, Jason Gainza, Miles Ocampo, Joshua Colet, Sunshine Garcia, at Wacky Kikay na Sunday Kada.

Ang pagsasara ng dalawang show ay iisa lang ang ibig sabihin, hindi ito nagri-rate, ‘di ba?

Kung mataas kasi ang ratings ng isang show o maraming nanonood, hindi ito tsutsugiin.

First time ni Catriona na magkaroon ng regular show with Piolo pa, pero hindi naman nagtagal sa ere. Iisa lang ang show nina Piolo, Catriona, at Maja sa Kapamilya channel tapos ay nawala pa.

Maisipan kaya nina Piolo at Maja na bumalik sa ABS CBN?

Pero ang tanong, kung sakali man, tanggapin pa kaya sila?

Hindi kaya masama ang loob sa kanila ng Kapamilya Network, dahil tumanggap sila ng show na katapat pa ang ASAP Natin ‘To, na dati nilang kinabibilangan? Just asking!

(ROMMEL PLACENTE)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …