Saturday , November 16 2024

Buntot ni Digong ‘nabahag’ sa Senado

WALA pang 24-oras mula nang banatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Senado sa imbestigasyon sa vaccine procurement deal ng administrasyon at akusahan ang ilang senador na pinapaboran ang paggamit ng mga bakuna ng Pfizer ay inatasan niya si vaccine czar Carlito Galvez, Jr., na ipaalam kay Senate President Tito Sotto ang mga kasunduan sa pagbili ng gobyerno ng CoVid-19 vaccines.

Nabatid ito sa isang video message ng kanyang longtime aide at Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go na ibinahagi sa media.

Nauna rito’y pumalag ang ilang senador sa banat sa kanila ni Duterte at kinuwestiyon ang source ng Pangulo sa gusto nila ng Pfizer vaccine.

Paliwanag ni Go, hindi niya kontrolado ang isipan ni Pangulong Duterte at ang mga inihayag umano ng Punong Ehekutibo sa kanyang public address kamakalawa ng gabi ay mula sa nabasang “column.”

Iginiit ng Pangulo kamakalawa ng gabi na wala siyang balak na ibunyag ang presyo ng mga bakunang made in China dahil posibleng malabag umano ang non-disclosure agreement sa mga vaccine supplier.

Tagubilin ng Pangulo kay Galvez, ituloy ang ikinasang plano para sa pagbili ng gobyerno ng CoVid-19 vaccine.

“I’m telling now General Galvez to proceed with his game plan, with or without the investigation,” anang Pangulo.

Sinabi ni Duterte na ginagamit sa politika ng hindi niya kinilalang “crusader “ ang usapin ng bakuna upang magmalinis.

“Kaya itong Filipinas, politika, kung sino lang ang makapusta sa mukha niya riyan sa ano. Iyong mga tawag na “crusader” kuno, mga ganoon, para lang maglabas na malinis sila.

Ilang oras bago ang public address ng Pangulo ay nag-privilege speech si Sen. Panfilo Lacson kaugnay sa umano’y pagtatangka na i-overprice ang multi-bilyong pisong vaccine deal.

Noong Setyembre 2019 ay tinawag ni Duterte si Lacson na “trying to be a crusader but ignorant” nang batikusin ng senador ang pahayag niya na puwedeng tumanggap ng  simpleng regalo ang mga pulis mula sa mga tumanaw ng utang na loob sa kanila.

Pero itinanggi ni Presidential Spokesman Harry Roque na si Lacson ang pinatamaan ng banat ng Pangulo kundi si Sen. Risa Hontiveros.

“I think the President had with him reports and he was reading them verbatim and he singled out, I think Senator Riza Hontiveros, among others.  But I did not hear the President mentioned Senator Lacson said that he preferred Pfizer. Wala naman pong ganoon kay Senator Lacson,” ani Roque.

Kinatigan ni Roque ang pagbatikos ng Pangulo sa Senado dahil kaduda-duda kung anong batas ang nais iakda ng mga senador sa isinusulong na imbestigasyon sa vaccine deal ng administrasyon.

“Hindi lang po maisip talaga ng Palasyo kung ano iyong gagawin nilang batas para rito ano. Kung tutol po sila sa CDA baka gumawa sila ng batas na ipinagbabawal ang CDA, kapag nangyari po iyon wala nang magbebenta sa atin ng gamot sa Filipinas ‘no. So, gusto ko rin pong marinig at ng taongbayan kung ano iyong lalabas na batas sa resulta ng imbestigasyon na ito, dahil iyan po iyong dahilan kaya ang tawag sa imbestigasyon na iyan in aid of legislation,” ani Roque.

“Pero sa Presidente po, iyong pagpapatupad ng National Vaccination Program, iyan po talaga ay trabaho ng Ehekutibo. Nakikipag-cooperate po ang executive at ang sabi nga ng Presidente ay patuloy pa ring mag-a-attend ang ating mga Kalihim doon sa mga pagdinig ng Senado, sagutin ang kanilang mga tanong, pero kung binabastos sila, mag-walkout. So, iyon lang po ang ating tatanungin sa Senador, matapos itong napaka­ha­bang mga hearing na ito, anong batas po ang isasampa nila?” (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *