ni ROSE NOVENARIO
SINASAMANTALA ng rehimeng Duterte ang pandemya upang isulong ang political agenda mula Anti-Terror Law hanggang Charter change at supilin ang mga protesta.
Inihayag ito ng Second Opinion, isang grupo ng mga doktor at siyentista na nagsisilbing alternatibong boses sa mga usapin kaugnay ng CoVid-19.
“Quarantine is now being used to quell dissent while the Duterte regime pushes with its political agenda, from the Anti-Terror Law to Charter change,” anang grupo sa isang kalatas.
Imbes COVID-19 ang kontrolin, kilos ng mga mamamayan ang pinigilan ng militaristang kuwarantena.
“The militarist quarantine is being used to keep the people, not the virus, at bay.”
Iginiit ng Second Opinion ang panawagan na wakasan ang militarist quarantine at hindi na katanggap-tanggap ang 300-day quarantine na tila wala nang katapusan o kapos sa konkretong exit plan.
“Quarantine, as an initial response, is correct. But now, without any real effort or concrete exit plan, quarantine has simply become a tool for oppression. A 300-day quarantine with no end in sight is unforgivable.”
Bilang health professionals, ang layunin nila’y tuldukan ang lockdown nang hindi isinasakripisyo ang kalusugan at kaligtasan ng mahihina at apektadong populasyon gaya ng matatanda at mga maysakit na makakamit lamang kapag ipinatupad ang mass testing at epektibong contact tracing.
Hanggang ngayon, anila, ang dalawang pinakamahalagang salik ay nananatiling nakadedesmaya at makaraan ang isang taon masama pa rin ang sitwasyon, ang datos ng Department of health (DOH) ay huli at hindi maasahan.
“Support for health workers is inadequate, if not imaginary, while local government units are left to fend on their own.”
BAKUNA
PARA SA ‘NORMAL’
NA PANUNUPIL
AT PANANAKOT
SINABI ng Second Opinion, ang pagkalito at pagdududa sa bakuna ay nagsimula sa magulo at hindi epektibong tugon ng gobyerno sa pandemya.
Anila, ang kasalukuyang diskurso kaugnay sa bakuna sa bansa ay umiikot sa isyu ng efficacy, kaligtasan at presyo ngunit ang totoo’y mga sintomas lamang ito ng lumalakas na pagkadesmaya at kawalang tiwala sa paraan ng administrasyong Duterte na gumwa ng mahahalagang desisyon na makaaapekto sa buhay ng lahat ng Pinoy.
Maging ang Food and Drug Administration (FDA) anila at mga eksperto na sumusuri sa mga pumapasok na bakuna sa bansa ay nahihirapang katigan ang mga pahayag ni Pangulong Duterte at kanyang mga tauhan kaugnay sa pagpabor sa isang tatak ng bakuna.
“It does not help that the Department of Health (DOH) has chosen to merely re-echo the militarist attitude of the generals in the Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).”
Imbes sagutin nang maayos ang mga katanungan at klarohin ang mga usapin, ang mga tagapagsalita ng pamahalaan ay binabalewala ang karapatan ng mga mamamayan at idinidikta ang pagsunod.
“Thus, Sinovac has become Duterte’s Dengvaxia, a tragedy now being repeated as a farce. The continuing lack of transparency will only aggravate the situation. Vaccine hesitancy is directly proportional to the eroding credibility of the DOH and IATF.”
“The pandemic is a public health crisis requiring social solutions and people’s participation. Even for vaccines, these should be within the frame of vaccination programs and public health measures. Vaccination is the result of collective action founded on social solidarity, not individual entitlement.”
“We recognize individual concerns as real and valid. Government should adequately address these with greater transparency, not condescension. The purpose must be to enjoin people to participate because at the end of the day, every Filipino is an essential part of the collective effort.”
Binigyan diin ng Second Opinion, bagama’t ang vaccination program ay makatutulong upang hindi kumalat nang husto ang CoVid-19, sa ilalim ng kasuklam-suklam at mapagmanipulang gobyerno, nagiging kapos ito at walang layunin na makapagligtas ng buhay kundi para gawing normal ang panunupil at pananakot.
“A vaccination program may help mitigate the spread of disease, similar to the imposition of quarantine. But under the hands of a detestable and manipulative government, these become half-measures that are no longer meant to save lives but to normalize repression and fear.”
Muling nanawagan ang samahan ng mga doktor at siyentista para sa pagbabago sa liderato at “reformulation” ng mga plano sa pagtugon sa pandemya na tunay na magiging prayoridad ang interes ng mga mamamayan.
(ROSE NOVENARIO)