Wednesday , November 20 2024

Harry Roque vs Vice Ganda, panlaba hanggang bakuna nag-upakan sa social media

BINUWELTAHAN ng Palasyo si Unkabogable Phenomenal Star Vice Ganda sa pagbatikos sa administrasyong Duterte sa pahayag na hindi dapat maging choosy sa CoVid-19 vaccine dahil libre naman.

Matatandaan, bilang sagot sa pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi puwedeng maging pihikan ang mga Pinoy sa CoVid-19 vaccine, sinabi ng Kapamilya comedian sa isang tweet, “Sa sabong panlaba nga choosy tayo e sa bakuna pa kaya. Ano ‘to basta may maisaksak lang?! Vaklang twoooaahhh!!!”

Hindi pinalampas ni Roque ang kritisismo ni Vice Ganda at tinugon ito na hindi puwedeng ikompara ang bakuna sa sabong panlaba.

“Mali namang ikompara ang bakuna sa sabong panlaba. Wala namang supply na ganoon karami… Kung hindi pagtitiwalaan ang mga expert, na tatlong batches pa ng experts ang magsasabing puwede nating gamitin ;yan, sino ang ating pagkakatiwalaan? Siguro po hindi ang mga komedyante,” ani Roque sa virtual Palace press briefing kahapon.

Limitado aniya ang suplay ng mga bakuna at hindi makapipili ng isa o dalawang brand ang gobyerno.

Ngunit sa kanya rin bibig nagmula na bukod sa Sinovac ay darating din sa Pebrero ang ilang bakuna galing sa Pfizer — ang unang brand na nagawaran ng emergency use authorization (EUA) ng Food and Drug Administration (FDA).

Naging kontrobersiyal ang todo-depensa ng gobyerno lalo ni Pangulong Duterte sa pagpili sa Sinovac kahit kaa-apply pa lang ng EUA at napaulat na mas mataas ang presyo at mas mababa ang efficacy rate kompara sa ibang tatak ng bakuna.

Paliwanag nina Roque at vaccine czar Secretary Carlito Galvez, Jr., “hindi lalampas ng P700: ang kada dose.

Nananatiling lihim ang tunay na presyo ng Sinovac dahil saklaw umano ito ng confidentiality agreement.

Tinataya ng gobyerno na makakukuha ng 50-70 milyong doses ng vaccines ngayong 2021, habang 25 milyon na Sinovac ay ilalaan sa mga priority sectors gaya ng healthcare workers, senior citizens, uniformed personnel at iba pa.

 (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Janine Tenoso Side A

Side A at Janine Tenoso pinag-isa ng kanilang musika 

HINDI naitago kapwa ng Side A Band at ni Janine Tenoso ang excitement sa nalalapit nilang konsiyerto, ang Bonded by …

Bong Suntay Bday

‘Birthday pasasalamat’ ni Cong. Bong Suntay dinagsa

TINATAYANG aabot sa 8,000 suporters, mga miyembro ng kanyang pamilya at kaibigan, gayundin mula sa …

2 dating kaalyadong politiko ni Mayor Vico Sotto bumaliktad

DESMAYADO na ang dalawang dating mga kaalyadong politiko ni Pasig City Mayor Vico Sotto at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *