Sunday , December 22 2024

‘President Sara Duterte,’ tablado kay Tatay Digong

TABLADO kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-uudyok sa kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na lumahok sa 2022 presidential derby.

“And my daughter inuudyok naman nila. Sabi ko, ‘My daughter is not running.’ I have told Inday not to run kasi naaawa ako sa daraanan niya na dinaanan ko,” aniya sa kanyang talumpati sa inagurasyon ng Skyway Stage 3 project sa Quezon City kahapon.

Ikinaila ng Pangulo na nais niyang palawigin ang kanyang termino kaya isinusulong sa Kongreso ang pag-amyenda sa 1987 Constitution o Charter change (Cha-cha).

“Kaya nga hinihingi ko ang Congress akala nila talagang mga — term extension. My God. Maski maibigay mo sa akin i-serve with platter, maski ibigay mo sa akin on a silver platter, maski ibigay mo sa akin libre another 10 years, sabihin ko sa iyo p***** i** mo iyo na lang ‘yan, tapos na ako,” sabi niya.

Binigyan diin niya na hindi para sa babae ang posisyon na Pangulo ng bansa.

“Hindi ito pambabae. Alam mo, the emotional setup of a woman and a man is totally different,” dagdag niya.

Nagkaroon na ng dalawang babaeng Pangulo sa Filipinas at pareho silang  naluklok sa Malacañang matapos ang People Power na nagpatalsik sa dalawang lalaking president na sangkot sa katiwalian, pag-abuso sa kapangyarihan at pandarambong.

Noong 1986 ay naging pangulo si Corazon Aquino matapos ang EDSA People Power Revolution na nagpa­bagsak sa diktadurang Marcos.

Habang si Gloria Macapagal Arroyo ay naging president maka­raan patalsikin si Joseph Estrada ng EDSA People Power II noong 2001.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *