SABI ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa televised press briefing mula sa Malacañang nitong Lunes, January 11, hindi maaaring pumili ng libreng COVID-19 vaccine brand na ituturok sa mga tao.
“Wala pong pilian, wala kasing pilitan,” sagot ni Roque sa tanong ng isang mamamahayag kung may choice ba ang free vaccine beneficiary kung anong brand ang gagamitin sa kanya.
Pero kontra si Vice Ganda sa sinabing ito ni Roque. Kaya naman nag-tweet siya ng ganito, (published as is): “Sa sabong panlaba nga choosy tayo e, sa bakuna pa kaya. Ano to basta may maisaksak lang?! Vaklang twoooaahhh!!”
Ang opinyong ito ni Vice ay pareho rin ng sentimyento ng ilang senador tulad ni Senator Panfilo Lacson: Sabi niya, “It’s not fair to say that Filipinos cannot choose their vaccines.”
Para kay Lacson, mali na ngang kontrolado ng gobyerno ang pagdedesisyon sa COVID-19 vaccine brand na bibilhin, “pati ba naman ang pagpili kung ano ituturok sa braso ng Filipino, hindi pa rin puwede mamili ang Filipino?”
MA at PA
ni Rommel Placente