Saturday , November 16 2024
Caloocan City

P320-M ‘basura model tablets’ ni Mayor Malapitan, kinuwestiyon (Caloocan councilors nangalampag)

“MARAMING magu­lang at mga estudyante ang nagrereklamo sa tablets na ibinigay ng Caloocan City govern­ment  dahil hindi maiko­nekta sa wi-fi, madalas nagha-hang at hindi magamit sa online classes nila.”

Ito ang magkaka­samang pahayag nila Caloocan City councilors Christopher PJ Malonzo, Maria Milagros Mercado, Alexander Mangasar, Ricardo Bagus, at Marylou Nubla kasunod ng serye ng reklamong kanilang natatanggap matapos mamahagi ng mga outmodel Cherrymobile tablets ang pamahalaang lokal ng lungsod.

Ayon sa mga konse­hal, wala na sa merkado ang Cherrymobile Cosmo 7 na binili ng Caloocan City government sa halagang P4,600 bawat isa gayong may mas mura ngunit modelo at bagong labas ang kompanya.

“Iyong sa pamangkin ko nga hindi nagamit kasi bukod sa palaging nagha-hang, sobrang bagal, mas mabilis pa ang karera ng kuhol kaysa reaksiyon ng tablet sa mga command,” ani Konsehal Mercado.

Kaugnay nito, muling nagpadala ng sulat ang mga konsehal kay Mayor Oscar Malapitan para hingiin ang detalye ng biniling tablets at kung saan-saang eskuwelahan na ito naipamahagi.

Maging ang kompletong pangalan ng kompanya at mga may-ari nito ay hiniling din ng mga konsehal na isumite ng alkalde sa lalong madaling panahon.

Binigyang-diin ng mga konsehal na noong Agosto 2020 pa inapro­bahan ang P320 milyon para sa pagbili ng mga tablets ngunit Enero 2021 na ay marami pang estudyante ang hindi pa nakatatanggap nito.

Ayon kay Konsehal Malonzo, itinakda ng ordinansa na dapat mag­su­mite ng detalyadong report si Malapitan kada 15 araw mula pa noong Agosto ngunit hindi nito nagagawa kaya kailangan silang kumilos para maipaabot sa mamamayan kung saan nagamit ang pondo ng pamahalaan.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *