Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Loisa sininghalan, netizen na nagsabing retokada fez: Wala akong ginawa, Never akong nagparetoke

MAGKASAMA ang magka-loveteam at magkasintahang sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte sa YouTube video na in-upload nila noong January 7, 2021, sa pagsagot ng mean comments ng kanilang bashers. Isa sa sinagot ni Loisa ay ang sinabi ng netizen na, ‘retokadang-retokada ang fez ni loisa andalio ngayon ah. no offense.’

Ayon sa young actress, wala itong katotohanan, ”Wala akong ginawa. Never akong nag­paretoke. As in hindi ako nag­paretoke talaga.

“Hindi ko rin pinangarap na magparetoke. Kumbaga, ayokong baguhin ang hitsura ko,” giit ni Loisa.

Pero hindi tinututulan ni Loisa ang pagpapa-enhance ng hitsura. Pero sa kaso niya, hindi niya ito kailangan.

“Okay lang i-enhance. Hindi ako ano roon, wala akong pro­blema sa mga nagpa­pa-enhance. Pero sa nakikita ko, wala namang dapat i-enhance. Wow, lakas!” may halong birong hirit niya.

Aminado si Loisa na naisip niyang magparetoke ng katawan noong mas bata-bata pa siya, pero hindi niya ito itinuloy.

“Dati gusto ko magpapayat, lipo [liposuction],’ di ba? Uso ‘yun dati. Idinaan ko sa diet. Doon ko na-realize na, ‘Ay, ‘di ko pala kailangan. Kaya naman pala.’”

Nagsalita rin si Loisa tungkol sa mga pumapansin sa kanyang pangangatawan. Halata raw na ine-edit niya ang kanyang pictures dahil may mga kuha siyang mataba at payat na napu-post sa social media.

“’Yung mga ganitong comment naman, ‘di ko na pinapansin kasi nakakatawa lang naman ‘yung mga ganyan. At saka ‘pag nag-e-edit ng picture, walang basagan ng trip naman, guys.”

May komentong tinawag siyang, ”bobo, tanga, malandi,” at kung ano-ano pang masasakit na salita.

Banat ni Loisa, ”Lahat ng masasama… masasakit na salita, sinabi mo na sa ’kin. Inagawan ba kita ng jowa? Ari-arian mo kinuha ko? Grabe naman ‘yung inutil.

“Hindi ako nahe-hurt, pero kayong mga basher, bawas-bawasan niyo ang ganyan kasi pagdya-judge ‘yan.

“Dati sumasagot ako sa mga basher, pero mas nakaya ko siyang i-handle. Kasi, parang, thank you kasi parang may time kayo na i-bash kami. May time kayo na tingnan ‘yung nangyayari sa buhay namin.

“Kumbaga, pinag-aaksayahan niyo kami ng panahon kahit parang hindi kayo natutuwa.”

Samantala, halatang napikon si Ronnie sa akusa sa kanya ng basher na napipilitan lang siya sa pakikipagrelasyon kay Loisa sa ngalan ng showbiz. Pinaratangan pa ng basher na “tanga” ang fans nina Loisa at Ronnie na naniniwala sa pagmamahalan ng dalawa.

Buwelta ni Ronnie, ”Apat na taon na kami may nasasabi ka pa, ‘di ba?!God bless, pasensiya. Anong napipilitan? Nasaan ang napipilitan? Four years na tayo, Bhe. At saka ‘yung fans, hindi tanga ‘yan. Hindi namin binayaran para sumuporta sa ‘min. Sumuportang kusa ‘yan kaya ‘wag mong tinatanga.” 

Sabi pa ni Ronnie kay Loisa, ”Tamang sagot lang. Wala akong pinipili sa kung sino man kasi ikaw lang naman ang pinili ko. Dahil sa career, hello! Putik! Sino ba idol mo?Bago kami nagkakilala ni Loisa, hindi ko kinailangan para sa career. Hindi ako user, no!”

Gayunman, nagpapasalamat pa rin sina Loisa at Ronnie sa kanilang mga basher dahil pinag-aaksayahan sila ng panahon.

MA at PA
ni Rommel Placente

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …