Saturday , November 16 2024

Ilang aktibidad sa pista ng Sto. Niño sa Tondo, kinansela

MATAPOS ang paggunita sa kapistahan ng Poong Itim na Nazareno, ang kapistahan ng Poong Sto. Niño de Tondo naman ang susunod na babantayan.

Ayon sa Archdiocesan Shrine of Sto. Niño na ipagbabawal rin nila ang prusisyon at motorcade sa Linggo na nakasanayan nang isinasagawa.

Taon-taon ay dinarayo ang simbahan ng mga debotong may bitbit ng kanilang mga imahen ng Sto. Niño at ipinaparada ito sa kalsada sa Tondo.

Ngayong taon, hindi rin isasagawa ang pagbabas ng mga imahen sa labas ng simbahan para maiwasan ang kumpolan ng mga deboto bagkus sa loob ito gagawin at magpapatupad ng 30% kapasidad sa simbahan.

Ayon kay Bishop Broderick Pabillo, katulad sa Quiapo ay hindi rin ikakansela ang physical masses sa Tondo church.

Samantala sa Basilica Minore de Cebu, kinansela ang physical masses sa loob ng simbahan sa Cebu simula nitong Martes hanggang sa pista sa Linggo.

Tanging ang online mass sa Facebook ng Basilca Minore del Santo Niño de Cebu ang isina­sagawa.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *