Saturday , November 16 2024
gun shot

Sanggol pinag-agawan ina patay sa boga ng dyowang ex-US Navy

ARESTADO ang isang retiradong US Navy ng mga awtoridad matapos mapas­lang ang kaniyang kasintahang bagong panga­nak sa Brgy. Macayug, bayan ng Mangaldan, lalawigan ng Pangasinan.

Kinilala ang suspek na si Rommer Gonzales, 40 anyos, isang retiradong US Navy, na nadakip sa kaniyang compound sa Brgy. Embarcadero, sa naturang bayan dakong 4:30 pm, nitong Miyerkoles, 6 Enero.

Positibong kinilala si Gonzales, ng tatlong saksi, na siyang bumaril sa biktimang si Maria Theresa Ambas, 39 anyos.

Ayon sa mga imbestigador, posibleng love triangle at kustodiya ng bagong panganak na sanggol ang motibo sa pamamaslang.

Bago ang pamamaril, napag-alamang nagtatalo sa social media sina Gonzales at Ambas.

Samantala, narekober ng mga operatiba ng Scene of the Crime Office (SOCO) ang limang basyo ng bala ng hindi pa alam na kalibre ng baril.

Nasa kustodiya na si Gonzales ng Mangaldan Police habang inihahanda ang kasong murder na isasampa laban sa kaniya.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *