Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
PANGIL ni Tracy Cabrera

Katarungan para kay Christine

THERE may be times when we are powerless to prevent injustice, but there must never be a time when we fail to protest.  

— Nobel Laureate Elie Wiesel

 

PASAKALYE:

Sa National Bureau of Investigation (NBI), minsan dumalo ako sa kanilang press conference para ipresinta ang isang kababayan nating hinuli sa kasong extortion at panloloko sa isang Austalian national na kanyang nakilala sa internet.

Naroon din ang abogado ng biktimang dayuhan na halos isang milyong piso ang nakulimbat ng suspek. Nagawa umano ito ng ating kababayan sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga larawang hubad ng mga bata. Aminado ang suspek sa kanyang kasalanan subalit may ibang anggulo ang nakita ng inyong lingkod.

Totoong mas may pagkakasala ang ating kababayan subalit hindi ba isang pedophile ang Australian national na kanyang niloko?

Sa puntong ito, pareho lang silang may kalokohan. Dangan nga lang ay hindi sana naloko ang dayuhan kung hindi siya lulong sa kanyang kalaswaan.

***

Talakayin naman natin ang kaso ng flight attendant na si Christine Angelica Dacera, na ang pamilya ay humiling ng tulong kay Pangulong Rodrigo Duterte para makamit ang katarungan sa pagkamatay ni Christine.

Ayon sa pulisya, ‘closed’ case na raw ito dahil nasa kustodiya na nila ang tatlo sa mga suspek ng karumaldumal na krimen.

Nakatutuwang isipin na ang kasong tinukoy ng mga pulis na rape-with-homicide ay ituturing ng Makati Police bilang sarado na o ‘solved’ na.

Wala pang umaamin at wala pang nakakasuhan sa korte kundi sinampahan pa lang ng impormasyon sa piskalya. At mismong si National Capital Region Police Office (NCRPO) acting chief Vicente Dupa Danao, Jr., ang nagsabing malabnaw ang impormasyong isinumite ng mga imbestigador sa prosecutor’s office kaya kailangan pang magsagawa ng karagdagan at masusing imbestigasyon para hindi ibasura ito ng fiscal sanhi ng kawalan ng ‘probable cause.’

Ang totoo, ang anumang kaso na dumaraan sa imbestigasyon, ay nagkakaroon lamang ng buhay kung maayos ang isusumiteng reklamo o information sheet ng mga pulis. Kapag maraming butas, sadyang hindi ito mabibigyan ng bigat kaya nadi-dismiss.

Dito kaya sa kaso ni Christine Dacera, magkaroon kaya ng linaw para makasuhan ang mga taong gumawa ng krimen?

At kung maisampa man sa korte ang kaso, hindi kaya matulad lang ito sa Vizconde Massacre na tumagal ng dekadang taon bago mahatulan at maparsuahan ang mga salarin?

Nagtatanong lang po…

***

PARA sa inyong komento o suhestiyon, reklamo o kahilingan, magpadala ng mensahe o impormasyon sa email na [email protected] o kaya’y i-text sa cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!

PANGIL
ni Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit hindi dapat agad paniwalaan si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGONG TAON ng 2026 na pero nananatiling walang napaparusahan na “big …

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …