NATUWA kami nang makita namin iyong video nilang, ”Hey Jude” na documented simula sa pagbubuntis, panganganak, at sa ginawa nilang pagpapakilala ng kanilang anak na si Jude noong isang araw. Inilabas sa joint youtube channel nina Janella Salvador at Markus Patterson ang nasabing video ng kanilang anak.
Dahil sa ginawa nilang documentary, maliwanag na wala silang balak na itago sa publiko ang panganganak ni Janella noong October 20, 2020. Naghintay lang sila ng tamang panahon para iyon ay ilabas sa publiko.
Mukhang tuwang-tuwa naman ang kanilang malalapit na kaibigan sa kanilang anak na si Jude at ang mga iyon ay nagpahatid pa ng video bilang pagbati sa anak nina Janella at Markus. Ibig sabihin, hindi talagang lihim dahil alam ng marami, hindi nga lang nila binuksan agad sa publiko.
HATAWAN
ni Ed de Leon