Vatican citizens mabibigyan na ng Covid-19 vaccine
VATICAN CITY, ROME — Sa kabila ng kawalan ng kompirmasyong mababakunahan na ang Santo Papa Francis ng bakunang likha ng Pfizer at BioNTech, inihayag ng Vatican City State na matatanggap na ang CoVid-19 vaccine doses sa kalagitnaang ng kasalukuyang buwan.
“It is likely that the vaccines could arrive in the state in the second week of January in sufficient quantity to cover the needs of the Holy See and the Vatican City State,” pahayag ng Vatican nitong nakaraang 2 Enero.
Nakapaghanda ang Vatican ng isang ultra-cold refrigerator para paglagyan ng mga bakuna, na kailangang nakaimbak sa minus 70 degrees Celsius.
Magsisimula ang pagbabakuna sa Vatican — ang pinakamaliit na sovereign nation sa mundo na may halos 800 mamamayan kabilang ang Santo Papa — sa ikalawang bahagi ng Enero para bigyan ng prayoridad ang kawani ng Simbahan at matatanda.
“Priority will be given to health and public safety personnel, to the elderly and to personnel most frequently in contact with the public,” punto ni Dr. Andrea Arcangeli, pinuno ng Vatican health service.
Isasagawa ang pagbabakuna sa Vatican ng boluntaryo, dagdag sa pahayag.
Hindi sinabi ng Vatican kung babakunahan o kung kailan ito isasagawa sa 84-anyos pinuno ng Simbahang Katoliko.
Ayon sa mga ulat, 27 kaso ng coronavirus ang naitala sa Vatican City, na walang nasasawi. Dalawang cardinal ang nagpositibo sa CoVid-19 nitong nakaraang buwan.
Sa pahayag ng Santo Papa Francis noong Kapaskuhan, sinabi niya: “I ask everyone — government leaders, businesses, international organizations — to foster cooperation and not a competition and to seek a solution for everyone: vaccines for all, especially for the most vulnerable and needy of all regions of the planet. Before all others: the most vulnerable and needy.” (Source Union of Catholic Asian News)
Kinalap ni Tracy Cabrera