Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead gun police

Usurero itinumba ng riding-in-tandem (Pera tinangay)

PATAY ang isang usurero matapos pagbabarilin ng hindi kilalang riding-in-tandem bago tinangay ang kanyang bag na naglalaman ng hindi matukoy na halaga ng pera sa Malabon city, kamakalawa ng hapon.

Dead on-the-spot ang biktimang kinilalang si Rodolfo Carpentero, 46 anyos, kilalang nagpapautang sa lugar at residente  sa Kaunlaran St., Brgy. Muzon, sanhi ng mga tama ng bala sa ulo.

Kaagad ipinag-utos ni Malabon City Police chief, Col. Angela Rejano ang imbestigasyon sa posibleng pagkakilanlan at pag-aresto sa mga suspek.

Batay sa pinagsamang ulat nina P/SSgt. Jose Romeo Germinal at P/Cpl. Michael Oben, dakong 4:40 pm, nang maganap ang pananambang sa biktima sa kanto ng Kaunlaran at Kagitingan streets, Brgy. Muzon ng nasabing siyudad.

Nakatayo umano ang biktima sa gilid ng kanyang electric bike (e-bike) nang lapitan ng suspek saka pinagbabaril sa ulo na nagresulta ng kanyang kamatayan.

Matapos ang pamamaril, kinuha ng suspek ang sling bag ng biktima na naglalaman ng hindi pa matukoy na halaga ng pera bago naglakad patungo sa kanyang kasama na nagmamaneho ng motorsiklo saka mabilis nagsitakas patungo sa Gov. Pascual, sa Brgy. Baritan.

Agad nagsagawa ng dragnet operation ang mga tauhan ng SS7 ngunit nabigong madakip ang mga suspek habang narekober ng nagrespondeng mga tauhan ng SOCO sa crime scene ang apat na basyo ng bala mula sa hindi pa matukoy na kalibre ng baril. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …