UPANG higit na palakasin ang cargo operations sa mga paliparan sa bansa na may maiikling runway, nagdagdag ng panibagong ATR cargo freighter ang Cebu Pacific.
Sa kasalukuyan, maliit na bahagi lamang ng mga paliparan sa bansa ang kayang mag-accommodate ng jet aircraft, habang ang iba ay gumagamit lamang ng turboprops.
Nai-convert ang ATR 72-500 aircraft na may tail number RP-C7253 sa pasilidad ng Sabena Technics DNR S.A.S. na matatagpuan sa Dinard, France, gaya ng naunang freighter ng Cebu Pacific na dumating noog Agosto 2019.
Parehong nasa ilalim ng operasyon ng Cebgo (subsidiary ng Cebu Pacific) ang dalawang freighter ay mayroong malaking Cargo Door at maaaring magkarga ng hanggang walong tonelada ng palletized cargo.
Bukod sa dalawang ATR freighter, inayos din ng Cebu Pacific ang isa sa kanilang A330 aircraft sa all-cargo configuration na tinanggal ang mga upuan upang mailagay ang cargo sa pangunahing deck.
“We saw this pandemic as an opportunity to recalibrate our business and optimize operations to address the needs of our customers. There is a growing demand for cargo to and from the Philippines and our fleet of dedicated cargo aircraft allows us to address this while doing so in a more efficient manner,” ani Alex Reyes, Pangulo at CEO ng Cebgo.
Tiniyak ng Cebu Pacific na hindi mahahadlangan ng kasalukuyang sitwasyon ang pagbibiyahe ng mga ‘essential goods.’ (KARLA OROZCO)