Saturday , November 16 2024
Caloocan City Mayor Oscar “Oca” Malapitan

P1.6-B pandemic funds dapat ipaliwanag ni Mayor Malapitan

PINAGPAPALIWANAG ng mga konsehal si Caloocan City Mayor Oscar Malapitan kung saan-saan at paano ginamit ang mahigit P1 bilyong supplemental budget na inaprobahan ng konseho para tugu­nan ng lokal na pama­halaan ang pangangai­langan ng mga mama­mayan sa panahon ng pandemya.

Sa ipinadalang liham nina City councilors Christopher Malonzo, Ma. Rose Mercado, Alexander Mangasar, Ricardo Bagus, at Marylou Nubla, pinaalalahanan nila si Malapitan na itinakda ng inapro­bahang ordinansa para sa supplemental budget ang pagsusumite ng alkalde ng written report kada ika-15 araw kung paano nagamit ang pera.

Kabilang sa mga nakasaad sa ordinansa ang alokasyon ng P92,245,176.75  at P33, 964, 325.31 para sa pagbili ng relief goods, pagbibigay ng social amelioration, medical services, supplies and equipment, at pagtulong para makaahon ang ilang sektor na naapektohan ng CoVid-19.

Para naman sa hazard pay ng mga pumasok na casual at permanent employees kahit may peligro ng CoVid ay naglaan ang konseho ng P11,176,000 at P17,787,000.

May inilaan din ang konseho para sa cash food assistance o P1,000 sa bawat mamamayan ng lungsod na umaabot sa P368,626,556 at P131,373,443.51.

Sa CoVid response naman na lead implementor ang City DRRMO, naglaan ang konseho ng P265,364,355 samantala P4,444,465.50 para sa pagbabayad ng Special Risk Allowance sa regular at casual employees ng City General Services Department.

Binanggit din ng mga konsehal ang pag­lalaan ng P320,000,000 para sa pagbili ng tablet ng mga estudyante para sa kanilang online classes, P250,000,000 sa welfare goods, P25,000,000 para sa CoVid patients, drugs and medicines at P105 million para sa mobile botica, medical dental and laboratory supplies, testing kits.

Hiniling ng mga konsehal na isumite ni Mayor Malapitan ang pangalan ng mga kompanya, suppliers, contractors, at mga kaukulang presyo ng lahat ng binili ng lungsod gamit ang mga pondong inaprobahan ng konseho.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *