Friday , January 2 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nat’l Karatekas sasalang sa int’l tournaments

PAGPASOK ng 2021, may plano agad ang national karatekas sa mga sasalihang kompetisyon bilang paghahanda sa 2021 Olympic Games qualifying tournament.

Tututukan nila ang tatlong international competitions na sasalihan ng national karatekas na magsisimula sa Pebrero, ito’y ang World Karate Federation Premier League tournament Lisbon, Portugal,  sa Premier League tournament sa Azerbaijan, Turkey at ang Asian Indoor and Martial Arts Games (AIMAG) sa Thailand.

Ang Olympic qualifying tournament ay aarangkada sa 11-13 Hunyo 2021 sa Paris, France. Ang top three finishers sa bawat weight division ang makakukuha ng tiket para sa 2021 Tokyo Olympics.

Ibabangga ng Karate Pilipinas Sports Foundation Inc. (KPSF) sina Fil-Japanese Junna Tsukii, Joanne Orbon, Alwyn Batican, Ivan Agustin, Sharief Afif at Jamie Lim anak ni PBA legend Samboy Lim.

May ticket na sa Olympic sina pole vaulter Ernest John Obiena, gymnast Carlos Edriel Yulo, boxers Eumir Felix Marcial at Irish Magno. (ARABELA PRINCESS DAWA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Arabela Princess Dawa

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …