DESIDIDO si Irish Magno na sumungkit ng gintong medalya sa Tokyo Olympics na ilalarga sa Japan sa Hulyo kaya walang panahon para mag-relax.
Puspusan ang ensayo ni Pinay boxer Magno dahil papalapit na ang takdang araw na hinihintay.
Nagarahe nang matagal si Magno dahil sa coronavirus (CoVid-19) pandemic, kaya wala pa siyang pormal na training simula nang isailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Filipinas noong Marsong nakaraang taon.
Sa online training nagpapakondisyon si Magno kaya nananabik na sa pagbabalik-ensayo sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.
Kompiyansa si Magno na babalik ang dati niyang kondisyon kapag nakapagsimula ng training.
Bukod kay Magno, ang ibang may ticket sa quadrennial meet ay sina world champion Carlos Edriel Yulo ng gymnastics, SEAG pole vault record holder Ernest John Obiena at boxer three-time Southeast Asian Games champion Eumir Felix Marcial.
ni Arabela Princess Dawa