Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Fantastic Beasts ng Harry Potter makikita sa London Museum

MAAARING pamilyar na ang Harry Potter fans sa iba’t  ibang halimaw na nasa aklat ni J.K. Rowling na Fantastic Beasts and Where to Find Them ngunit mamamangha sila kung makikita nila nang tunay at harap-harapan sa pagtatanghal ng Natural History Museum ng London sa mga likha ni Rowlings katabi ng mas kilalang mga unicorn, dragon at sirena.

Ang exhibit — sa gitna ng pandemya ng CoVid-19 at patuloy na pagdami ng impeksiyon sa Inglatera—ay binansagang “Fantastic Beasts. The Wonder of Nature” at pagtatambalan ito ng museo, British Broadcasting Corporation (BBC) at Warner Bros sa pagnanais na masabik ang kanilang mga tagasuporta na bumisita sa pagbubukas muli ng museo makaraan ang ilang buwang lockdown.

Ayon kay London Natural Museum head of conservation Lorraine Cornish, makatitiyak ang mga dadalaw sa museo na maipapakita sa kanila ang daigdig ni Harry Potter fans, na matututuhan nila ang tungkol sa ‘magizoologist’ na si Newt Scamander, na siyang pangunahing awtoridad sa nabanggit na mga fantastic beast.

Ang 2001 novela ni Rowling ay ginawang isang hit fantasy film franchise na pinagbidahan ni Eddie Redmayne, na ang costume ay itatanghal din sa exhibition, na tatakbo mula ngayong buwan hanggang sa Agosto sa susunod na taon.

Ang unang bahagi exhibit ay magtatanghal ng tunay na kakaibang mga hayop o halimaw, kabilang ang mga matatagpuan sa mga aklat ng Harry Potter tulad ng niffler, na kawangis ng platypus at isang mahusay na treasure hunter, occamy, na inilarawan bilang nilkhang may pakpak at katawang ruled ng serpente at ang herbivore na demiguise na kayang maging invisible at nakapagsasabi ng mga kaganapang hindi pa nangyayari.

Itatanghal din kasabay nito at iba pang mythical beast tulad ng mga dragon, unicorn, at sirena, na kilala na ng publiko bilang ilan sa kamangha-manghang hayop na likha ng kaisipan ng tao. Mayroon din kalansay ng walong-metrong-habang (26-talampakan) deep sea oarfish na pinagmulan ng mga alamat ng higanteng maga serpent sa karagatan at gayondin ang mga sungay ng dambuhalang narwhal. Kahanay sa display na ito ang mga unicorn hair-infused wand ng kaibigan ni Harry Potter na si Ron Weasley at ang karibal nitong si Draco Malfoy.

The venue has indicated the exhibition will eventually go on tour to a number of countries.

Kinalap ni Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Casino Plus One Million for Every Hero FEAT

Casino Plus Empowers Users to Support Real-Life Heroes with Each Daily Login
One Million for Every Hero

Casino Plus is bringing the Christmas spirit of giving into the digital space with the …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …