TALAGANG willing na raw si male star na gawin kahit na ano, makakuha lamang siya ng pantapal sa kanyang mga utang at iba pang pangangailangan ng kanyang pamilya. Hindi kasi kayang tustusan talaga ng kanyang on line business ang buhay may asawa at dalawa niyang anak.
Ang pakiusap lang ni male star, sana ay manatiling sikreto iyon dahil ayaw niyang malaman ng kanyang misis ang kanyang “sideline.” Kaya nga raw mas gusto niya sa bading kaysa mga matrona, at iba pang babae na may interest din sa kanya. Kasi kung babae raw, ang feeling niya ay mas niloloko niya ang kanyang asawa. Kung bading ‘less guilt” dahil alam niyang pera lang talaga ang habol niya.
(Ed de Leon)