Saturday , November 16 2024
fire sunog bombero

3 senior citizen, todas sa sunog (Sa Davao City)

PATAY  ang tatlong senior citizens sa sunog na sumiklab sa Phase 1, Central Park, sa lungsod ng Davao, noong Lunes ng hapon, 4 Enero.

Kinilala ni Davao City Fire District Intelligence and Investigation Chief, SFO4 Ramil Gillado, ang mga biktimang sina Claudio Libre, 81 anyos; Gloria Aurora Libre, 79 anyos; at Angelo Ouqialda, 60 anyos.

Ayon kay Gillado, sumiklab ang sunog dakong 3:43 pm kamakalawa sa bahay na pag-aari ni Claudio Libre sa Cordillera St., sa nabanggit na lugar.

Ayon sa ulat ng Talomo Fire Station, nagmula ang apoy sa nag-short circuit na mini-van.

Tinupok din ng apoy ang dalawang iba pang estruktura at napinsala ang isang kalapit na establisimiyento.

Nagkakahalaga ng P400,000 ang unang taya ng mga arson investigator ng pinsala ng sunog at tatlong pamilya ang nawalan ng tirahan.

Tuluyang naapula ang sunog dakong 5:54 pm.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *