The end justifies the means. But what if there never is an end? All we have is means.
— American author Ursula Le Guin
PASAKALYE:
Text Message…
May puna ako sa sinabi ng isang senador, matuto na raw tayo sa naging karanasan. Sabi, matuto na tayo sa naranasan natin sa siyam na buwan. Huwag natin daw hayaang pumasok dito at kumalat sa ating bansa (ang bagong variant ng CoVid-19). Ngayon nananawagan siya na matuto na tayo? E kayo ang pabaya sa unang virus na pumasok dito galing ng China. Pinigilan ba ninyo ng iyong amo ang milyong Intsik na may dalang virus? Kumibo ka ba rito? Ngayon porke ang bagong virus sa UK manggagaling e matuto at mag-ingat na tayo? Kayo ang dapat sabihan namin ng ganyan. Ano ang power namin para pigilan ang mga papasok sa bansa natin na galing sa ibang bansa at may dalang virus? Kayo ang nasa poder kaya kayo ang dapat sisihin sa pagpasok ng kalahi mo! Juan po. — Juan ng Tondo (09094818…, January 02, 2021)
Text Message…
2021 na (ay) wala pa rin ang Paymaya ng mga sakitin (at) uugod-ugod na (mga) senior citizen. Haba nang pag-uunawa at pag-aantay namin! Dapat kami naman ang unawain at huwag naman pag-antayin nang matagal ni Isko. Dapat 10 buwan na makukuha naming ngayong January. E baka matapos na rin ang kapistahan ng Quiapo at Tondo e wala pa rin ang limos sa amin. GOD FIRST! Juan po. — Juan ng Tondo (09094818…, January 02, 2021)
* * *
NAKATUTUWANG isipin na ginawa pang isyu ang pagpapabakuna ng ilang mga miyembro ng Presidential Security Group, kabilang si Brigadier General Jesus Durante, samantala, alam naman nating walang mangyayari sa imbestigasyon at kung sasampahan sila ng kaso dahil sa paglabag ng maraming mga batas sa kanilang ginawa.
Isa lang ang magiging argumento —ginawa nila ang desisyong magpabakuna (kahit lumilitaw na smuggled ang ginamit nilang CoVid-19 vaccine na wala pang approval mula sa Food and Drug Administration (FDA) at sinuway din ang payo ng mga eksperto na kailangang gawin ang pagbabakuna ng doktor (at hindi sino lang) para sa kapakanan ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa katuwirang iyan ay tiyak na abuswelto sila.
* * *
PARA sa inyong komento o suhestiyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa email na [email protected] o kaya’y i-text sa cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!
PANGIL
ni Tracy Cabrera