Monday , February 2 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind item

Bugaw, ibinebenta ang mga kilalang artista online

MATINDI ang raket na nangyayari ngayon sa internet. May isang pimp na ginagamit ang mga picture at pati pangalan ng mga artistang lalaki, lalo na ang mga starlet pa lamang para maloko ang mga mayayamang bakla na ang mga iyon ay ”kaya niyang mai-deliver para maka-date nila kung magbabayad sila sa kanya.”

Tapos hihingi siya ng downpayment na ipambabayad niya sa isang cash card, para naman daw matiyak na totoo nga ang client at hindi nanloloko lang. Oras na matanggap na niya ang downpayment, iba-block na niya ang pobreng baklang nagbayad sa kanya.

Iyong mga artista naman, walang kamalay-malay na ginagamit ang kanilang mga pangalan at picture sa raket na iyan ng isang bugaw sa internet. Totoo naman daw na may naibubugaw pero hindi ang mga artistang ginagamit niya ang picture at pangalan. Kung minsan kawawa ang mga artista dahil natsitsimis pa sila nang hindi naman nila nalalalaman. (Ed de Leon)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …