HINIMOK ni House Deputy Speaker and Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera ang mga awtoridad hingil sa posibleng paglaganap ng pekeng bakuna laban sa CoVid-19 sa gitna ng kakarampot na supply nito sa mga darating na buwan.
Aniya, kailangan magmatiyag ang mga awtoridad upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga mamamayan.
“As we await the arrival of the much-awaited COVID-19 vaccines, ensuring that vaccines are authentic could emerge as an important issue,” ani Herrera.
Nagbabala si Herrera na sasamantalahin ng mga ‘counterfeiters’ ang panahon kung kailan may ‘mismatch of COVID-19 vaccine supply and demand.’
“Alam naman po natin na kapag may kakulangan sa supply, asahan natin na maglilipana ang mga mapagsamantala at mga pekeng produkto na sa pagkakataong ito ay bakuna laban sa CoVid-19,” paliwanag ni Herrera.
Aniya, ang pagbenta ng pekeng bakuna ay labag sa batas.
“We have to remember that counterfeit CoVid-19 vaccines may pose serious health risks, and are ineffective at protecting an individual from the virus,” dagdag niya.
Ayon kay Herrera kailangan siguradurin ng Department of Health (DOH) at ng Food and Drug Administration (FDA) na magkaroon ng “affordable, safe and effective vaccines for Filipinos.”
Kinakailangan, aniyang magkaroon ng maayos na sistema sa pamamahagi ng bakuna sa sandaling dumating ito sa bansa.
“Proper distribution means we have to follow the guidelines on which area and sectors that will be given COVID-19 shots first,” paalala ni Herrera.
(GERRY BALDO)