Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead gun police

2 karnaper todas sa QC shootout

TODAS ang dalawang hinihinalang karnaper makaraang makipag­barilan sa mga pulis sa Novaliches, Quezon City, nitong Linggo ng madaling araw.

Bago ang enkuwentro, isang lalaki ang nagpa­saklolo sa mga awtoridad nang agawin umano ang kanyang motorsiklo makaraang bumili sa isang tindahan sa Barangay San Bartolome noong Sabado ng gabi.

Ayon sa biktima, pag­kasakay niya sa motorsiklo ay tinutukan siya ng baril ng mga suspek at pinababa sabay sibat kasama ang kanyang sasakyan.

Ayon kay PLt. Mann Erik Felipe, PCP 2 commander ng Novaliches Police Station, agad silang nagsagawa  ng dragnet operation at nang makita ng mga pulis ang motorsiklo na kapareho ng ninakaw na motor, sinita nila ang drayber ngunit hindi huminto.

Hinabol  ng mga awtoridad ang mga suspek hanggang nakorner sa isang bakanteng lote sa Austria Street, pero imbes sumuko, pinaputukan ng baril ang mga pulis.

Agad gumanti ng pamamaril ang mga pulis hanggang bumulagta ang mga suspek.

Positibong itinuro ng biktima ang ninakaw na motorsiklong sinakyan ng mga suspek na nasamsam ang dalawang baril at sachet ng  shabu. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …