At dahil unang beses na ito (muna) ang new normal dahil sa COVID-19 pandemic, tinanong namin si Zanjoe Marudo kung ano ang saloobin niya sa sitwasyon ng mga pelikula, tulad ngayong MMFF, sa panahon ng pandemya.
May advantage o disadvantage ba na online muna ang panonood ng pelikulang Filipino?
“Nakagawa na ako before ng pelikula sa ‘MMFF,’ nakaka-miss siyempre ‘yung alam mo na, kapag malapit na, may parade tapos may awards night, tapos lahat ng tao nasa mall para manood ng entries, siyempre nakakalungkot din na nagbago na, pero ganoon talaga ang buhay, kakaiba ang sitwasyon.
“Pero masaya pa rin naman ako na at least, kahit paano, kahit online maipalalabas lahat ng mga pelikula na hindi maitatago ng matagal, at least gumawa ang MMFF ng paraan para mapanood ng lahat, para hindi maluma ‘yung mga ginawang pelikula.
“Thankful pa rin ako, siguro naman papunta na roon lahat, lahat tayo, sa movies, sa TV, parang pa-digital na naman lahat.
“Kaya praktis na rin ito para makita natin kung okay ba ito sa mga tao.”
Isa pang maituturing na advantage ay sabay-sabay mapapanood ng mga nasa ibang bansa sa buong mundo ang mga MMFF entries.
Sa direksiyon ni Joel Lamangan, kasama rin sa Isa Pang Bahaghari sina Albie Casino at Joseph Marco.
Rated R
ni Rommel Gonzales