Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sylvia Sanchez pang Best Actress ang performance sa Coming Home

NAKASISIGURO nang isa sa malakas na contender for Best Actress sa Metro Manila Film Festival 2020 Awards Nights ang aktres na si Sylvia Sanchez dahil sa mahusay nitong pagganap bilang asawa ni Jinggoy Estrada sa pelikulang Coming Home.

Isang mapagmahal na asawa, maasikasong ina, martyr, at mapagpatawad na handang gawin ang lahat mabuo lang ang nasirang pamilya.

Saksi ang inyong lingkod sa superb performance ni Sylvia na ibang-ibang ang atake sa mga mother role na kanyang nagawa na. Kung ilang beses tumulo ang aming luha at nadala sa mga eksena nito.

Kaya naman malakas ang laban nito sa pagka-best actress along with Nora Aunor na maganda rin ang performance sa Isa Pang Bahaghari.

Pero ayon kay Sylvia, hindi siya umaasang mananalo dahil isang Nora Aunor ang makakalaban niya na talaga namang mahusay at idolo pa niya.

If ever namang mananalo siya, bonus na lang ‘yun dahil ang mahalaga ay nagustuhan ng mga tao ang pelikula nila.

Makakasama ni Sylvia sa Coming Home bukod kay Jinggoy, sina Edgar Allan Guzman, Martin Del Rosario, Shaira Dizoan, Vin Anrenica, Julian Estrada, Beauty Queen Ariela Arida atbp. Hatid ng Maverick Films and ALV Films. Directed by Adolf Alix Jr..

Kaya kung hanap ay pampamilyang pelikula, manood na ng Coming Home sa Dec. 25, sa UPSTREAM.ph, ang online platform ng MMFF 2020.

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …