INILUNSAD ng pamahalaan lungsod ng Muntinlupa ang Molecular Lab, Isolation Facility sa ika-103 Anibersaryo ng Pagtatag.
Pinangunahan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade at Mayor Jaime Fresnedi ang pagpapasinaya ng Molecular Laboratory ng lungsod at ng We Heal As One Center Isolation Facility sa Filinvest, Alabang sa pagdiriwang ng 103rd Founding Anniversary ng Muntinlupa kamakalawa.
Kabilang sa sumaksi sa pasinaya ang national at lokal na mga opisyal at ng kinatawan ng Filinvest sa Molecular Laboratory sa Ospital ng Muntinlupa at ang 148-bed Isolation Facility sa Filinvest Tent Parking Area .
Naroon rin sina Department of Public Works and Highways-Bureau of Construction director Eric Ayapana, Bureau of Fire Protection chief, Sr. Supt. Jose Edgar Balita, DOTr Usec. Artemio Tuazon, Filinvest Alabang Inc., vice president for townships Don Ubaldo, Congressman Ruffy Biazon, Ospital ng Muntinlupa director Dr. Edwin Dimatatac, at City Heath Officer Dra. Teresa Tuliao.
Operational na ang lungsod ng Muntinlupa Molecular Laboratory matapos makakuha ng accreditation sa Department of Health sa layuning mas mapalakas ang local testing capacity at CoVid-19 response efforts ng lokal na pamahalaan.
Sa loob ng isang araw maaari nang makuha ang resulta ng swab test, na nagkakahalaga ng P3,800, alinsunod sa naaprobahang pricing scheme.
May diskuwento naman para sa Indigent admitted patients na pasok sa “OsMun’s No Balance Billing scheme” at sa mga pasyenteng may valid PhilHealth coverage.
Ang 148-bed We Heal As One Center sa Filinvest Tent Alabang ang ikalawang Emergency Quarantine Facility na itinayo ng DPWH na pangangasiwaan ng BFP na sasagutin ng lokal na pamahalaan ang utility charges.
Nitong nakalipas na Oktubre, pinangunahan din nina DPWH Sec. Mark Villar, DOTr Sec. Tugade, at Mayor Fresnedi ang pagpapasinaya sa 144-bed Emergency Quarantine Facility sa Pacwood Site, Barangay Tunasan.
Idinaos sa Muntinlupa City Hall Quadrangle matapos ang inagurasyon para sa pagkilala sa partner companies at mga personalidad na nag-ambag sa laban sa pandemya .
Kabilang sa binigyan ng parangal ngayong taon ang ABS CBN Corporation (Lingkod Kapamilya), Christ’s Commission Fellowship (CCF) – Alabang, Filinvest Corporate City Foundation Inc., National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), San Miguel Foundation, Inc., Sytin Foundation Inc., Insular Foundation, Leoncio Group Corporation, Jollibee Food Corporation, New Life Church Alabang, Engr. Rodante C. Corpuz, at Mr. Ben Tiu.
Ayon sa alkalde, may inilaang P170 milyon ang lokal na pamahalaan para sa badyet sa pagbili ng CoVid-19 vaccines para sa mga taga-Muntinlupa.
Sa naitala nitong 18 Disyembre, ang Muntinlupa ay may 35 active cases, 5,035 confirmed cases na may 4,835 recoveries, 165 deaths, 43 suspect cases, at 246 probable cases.