Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 lola sa Leyte natabunan sa landslide, patay

HATAW News Team

BINAWIAN ng buhay ang dalawang matan­dang babae nang mata­bunan ng lupa sa naganap na landslide dulot ng malakas na hangin at pag-ulan sa Barangay Cuatro de Agosto, sa bayan ng Mahaplag, lalawigan ng Leyte, nitong madaling araw ng Sabado, 19 Disyembre.

Kinilala ang mga biktimang sina Evelina Laraño, 67 anyos, at Junilanda Milana, 62 anyos, kapwa natutulog nang rumagasa ang putik at mga bato.

Nakuha ang kanilang mga katawan na nada­ganan ng gumuhong mga bato, lupa at putik noong Sabado ng umaga, ayon kay Mahaplag Mayor Daisy Lleve.

Samantala, nailigtas din ng mga pulis at mga bombero ang isang 14-anyos binatilyo na nasu­gatan dahil sa pagguho ng lupa.

Hanggang sa kasa­lukuyan, patuloy ang rescue and retrieval operations ng mga awtoridad at tinutukoy pa rin ang bilang ng mga apektadong pamilya at mga bahay na nata­bunan ng mga bato at lupa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …